25

MAY 2023

Lost Ka Ba?

by | 202305, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Kata Inocencio & Written by Aliya L. Parayno

Ang Anak ng Tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang naligaw.

Lucas 19:10

Naranasan mo na bang maligaw? Right? Left? Straight ahead ba, pero hindi ka sure? Nakaka-panic di ba? Lalo na kung kailangang-kailangan na nating marating ang destinasyong gusto nating mapuntahan. How many times have we heard someone say, “Ito kasi ‘yung tinurong daan ng app.” O “Dito kasi ako pinaliko nung manong na pinagtanungan ko.”

Totoong maraming paraan para malaman natin how to navigate roads and even our lives. Helpful ang apps, online maps, at maging ang mga napapagtanungan natin sa kalsada. But not all of these ways will lead us to the right path. Sometimes, they will lead us to the wrong road.

But unlike faulty apps, technical bugs, and mistaken manongs on the road, God will never lead us to the wrong path. He does not want us to be lost in our journey through life. That’s why He sent His Son Jesus Christ to lead us to Him through the Holy Spirit (John 14:6; Ephesians 2:18). Kapag sinundan natin ang iba na nagsasabing sila ang daan patungo sa Ama, maliligaw tayo. Jesus is the only way to God the Father. Jesus is our Guide, our Driver in Life. Siya rin ang ating gabay para makarating tayo sa ating patutunguhan, sa ating goal sa buhay. Kaya sa mga panahong tuliro tayo at may forgetful moments, call to Jesus. He will show us the way.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Dear Jesus, thank You for always leading me. Guide me para hindi ako maligaw. I want to go where You want me to go.

APPLICATION

May mga lugar ka bang kailangang puntahan? May mga pangarap na gustong ma-accomplish? Naliligaw at nahihirapan ka bang maabot ang mga ito? Spend time with God right now and seek His leading. If those goals are in accordance to His will, ituturo Niya ang daan every step of the way.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 15 =