24

APRIL 2023

Reading God’s Word: A Spiritual Discipline (Part 2)

by | 202304, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Kata Inocencio & Written by Michellan Alagao

Welcome back to the last part of our series “Love the Word of God”. Alamin ang isa pang dahilan kung bakit mahalaga ang pagbabasa ng Salita ng Diyos.

…upang ang lingkod ng Diyos ay magiging karapat-dapat at handa sa lahat ng mabubuting gawain.

2 Timoteo 3:17

In the previous entry, we reflected on how Gods Word feeds our spirit and keeps it healthy. Isa pang dahilan kung bakit importante ang pagbabasa ng Word of God ay dahil ang Bible reading ay nakakatulong sa pag-practice natin ng ibang mga spiritual discipline. 

For example, another spiritual discipline is prayer. Ngunit kalian tayo dapat mag-pray? Ano ang pwede nating ipag-pray? At paano ba tayo dapat mag-pray? Ang sagot sa lahat ng mga tanong na ito ay mababasa sa Bible.

Isa pang example ng spiritual discipline ay ang fellowship. Ano ba ang ibig sabihin ng fellowship? Kanino tayo dapat makipag-fellowship? Again, ang sagot sa mga tanong na ito ay makikita sa Bible, at sa buhay ni Jesus. Si Jesus ay nakipag-fellowship sa Diyos Ama at sa Kanyang disciples. Nakasulat sa Gospels kung paano Niya ito ginawa, at dito natin makikita na si Jesus ang ating model for holy and true fellowship.

Ang totoong batayan ng ating prayers, fellowship with God and others, at ng ating spiritual disciplines can be clearly found in the Bible. That’s because God’s Word equips us for every good work (2 Timothy 3:17) and helps us know Jesus more.

Take note, hindi lang literal na “reading” ang only way to absorb God’s Word. May mga tao na hindi nakakabasa o nahihirapan magbasa, for different reasons. Pwede din natin pakinggan ang Word of God. Sabi nga ni Apostle Paul, “faith comes from hearing the message, and the message is heard through the word about Christ” (Romans 10: 17, NIV). Tunay nga na powerful ang Salita ng Diyos.

Masarap basahin, pagbulay-bulayan, at aralin ang Salita ng Diyos. Talagang may pakinabang! Samahan ninyo kami uli bukas para sa panibago na namang mensahe mula sa Salita ng Diyos!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, samahan po Ninyo ako sa aking pag-aaral ng Inyong Salita. May everything I say and do be informed by Your Word, in Jesus’ name.

APPLICATION

Samahan ang iyong Bible reading (or hearing via audiobook) ng isa pang spiritual discipline, tulad ng prayer, fellowship, o worship.  

INSPIRATIONAL QUOTES

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 7 =