6

APRIL 2024

Magaling na Bantay

by | 202404, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Marlene Legaspi-Munar

Maliban nga na si Yahweh ang nagtatag nitong bahay, ang ginawa ng nagtayo ay wala ring kabuluhan; maliban nga na si Yahweh ang sa lunsod ay gumabay, ang pagmamasid ng bantay ay wala ring saysay.

Awit 127:1

Nadismaya ang mag-asawang Johnny at Sylvia sa ininstall na jalousie windows ng subcontractor sa kanilang pinapagawang bahay. Paano kasi, hindi pa man nila natitirahan ay sira na ang isang handle ng frame at may basag ang isang glass blade.

“Sa lahat ng parte ng bahay, dito tayo magkakaproblema sa bintana kapag nakalipat na tayo,” sabi ni Johnny na napapailing.

“Kailangan talaga magpalagay tayo ng grills,” sabi naman ni Sylvia na nag-aalala. Pero wala pa silang budget sa ngayon para sa window grills. Para maitaboy ang pag-aalala, nag-Google si Sylvia ng Bible verses tungkol sa pagtatayo ng bahay. Napunta siya sa Awit 127:1. Napaalalahanan siya ng first sentence pa lang: “Maliban na si Yahweh ang nagtatag nitong bahay, ang ginawa ng nagtayo ay wala ring kabuluhan.” Pero nang mabasa niya ang next part ng verse na ito, naramdaman niyang talagang kinakausap siya ng Diyos. Ang sabi kasi ng next part ng Awit 127:1, “maliban nga na si Yahweh ang sa lunsod ay gumabay, ang pagmamasid ng bantay ay wala ring saysay.”

Very timely ang Salita ng Diyos na ito para kay Sylvia. Iniisip niyang kailangan nila ng window grills to protect their house from thieves, na tama naman. Pero higit sa window grills, security guard, aso, or CCTV, ang Diyos na gising 24 hours a day ang tunay na makakapagbigay ng proteksyon sa kanila (Psalm 121:4). Sylvia had to be reminded na dahil ipinagkatiwala nila sa Diyos ang pagtatayo ng kanilang bahay, it is God who is ultimately the builder of their house. At hindi lang Siya ang builder, kundi Si God din ang bantay. He is watching everywhere, keeping His eye on both the evil and the good (Proverbs 15:3). His name is like a strong tower, and those who run to Him for protection are kept safe (Proverbs 18:10).

May grills man o wala, nagtitiwala si Sylvia sa magaling nilang bantay. ‘Yun ang mahalaga. Ang Diyos ang tunay na mag-iingat sa kanila.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, Kayo po ang kinikilala naming builder of our house and You guard over it and our family. Thank You for protecting us and keeping us safe always.

APPLICATION

Meditate on Scriptures about God’s protection. This will build your trust in Him and drive away worries.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 15 =