11

JUNE 2021

Magandang Balita!

by | 202106, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Shekinah Grama & Written by Yna Reyes

Nang ibinilanggo na si Juan, si Jesus ay nagpunta sa Galilea at ipinangaral doon ang Magandang Balitang mula sa Diyos. Sinabi niya, “Dumating na ang takdang panahon. Malapit nang maghari ang Diyos! Kaya magsisi na kayo’t talikuran ang inyong mga kasalanan. Paniwalaan na ninyo ang Magandang Balita!”

Marcos 1:14-15

 

Digital native ka ba? Kung nakababad ka sa social media, alam mong toxic ito. Bumabaha ng bad news at fake news. According to studies, mas mabilis kumalat ang fake news kaysa sa factual news. At mas attention-grabbing ang news on crimes and scandals kaysa sa any kind of good news. Nalulunod ang good news sa tsunami ng bad news hindi lang sa social media, kundi sa buong mundo.

Sa panahong ito ng bad news, may good news na kailangang marinig ng lahat ng tao. Ito ang Magandang Balita mula sa Diyos. Ito ang Ebanghelyo na ipinangaral ni Jesu-Cristo.

Ang mensahe ng Ebanghelyo ay kapatawaran ng ating kasalanan at katiyakan ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesus (Juan 3:16). Ipinangako Niya ang “buhay na masagana at ganap” sa maniniwala sa Magandang Balita (Juan 10:10). Ganyan kapersonal ang Ebanghelyo. Ngunit, hindi lamang ito tungkol sa forgiveness of sin at eternal security natin. Hindi lang ito personal, global din ito! Ang Magandang Balita ay tungkol sa paghahari ng Diyos—sa ating puso at buhay, sa ating pamilya, barangay, siyudad, distrito, probinsya, sa lahat ng mga isla sa buong Pilipinas, at sa lahat ng bansa sa buong mundo. Paghahari ito ng Diyos hindi lang sa church kundi sa bawat eskuwela at unibersidad, opisina at negosyo, sining at kultura.

Ang paghahari ng Diyos “ay makatarungan, saligang matuwid ang pinagtayuan; wagas na pag-ibig at ang katapatan, ang pamamahala [Niyang] ginagampanan” (Mga Awit 89:14).

Itinuro ni Jesus sa mga alagad Niya na ipanalangin ang paghahari ng Diyos—na masunod ang Kanyang kalooban—dito sa lupa tulad ng sa langit (Mateo 6:10). Inatasan tayo ni Jesus na maging bahagi sa pagpapatupad ng kalooban ng Diyos dito sa lupa. In our own areas of influence, sa ating mga salita at gawa, we can be bearers of the Good News of God’s Kingdom. Ang paghahari ng Diyos ang ultimate Good News. In the end, it will wipe out all the bad news in the world.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Maghari Ka, Panginoon sa aming pamilya, sa aming komunidad, sa aming bayan, sa lahat ng bansa. Amen.

APPLICATION

Mag-post sa Facebook ng isang Bible verse tungkol sa Magandang Balita ng paghahari ng Diyos. Ipanalangin na maging bukas ang mga makakabasa nito sa paghahari ng Diyos.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 9 =