16

SEPTEMBER 2024

Magpapa-discount po Kayo?

by | 202408, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Marlene Legaspi-Munar

Kaya’t hindi kami nasisiraan ng loob kahit na humihina ang aming katawang-lupa; patuloy namang lumalakas ang aming espiritu araw-araw.

2 Mga Taga-Corinto 4:16

“Magpapa-discount po kayo?” tanong ng cashier kay Beth. Nainis si Beth. Napagkamalan na naman kasi siyang senior citizen na entitled sa discount sa grocery. “Hay, kailangan ko na talagang tanggapin na tumatanda na ako,” nasabi ni Beth sa sarili. “Hindi na mapipigilan ang pagputi ng buhok ko at pagdami ng kulubot sa mukha! Kaya akala ng marami, senior na ako!”

Kagaya ka rin ba ni Beth na anxious about aging? Hindi mo rin ba matanggap that the signs of aging are showing on your face and body? Nararamdaman mo na rin ba na madali kang hingalin at mapagod kapag umaakyat ng stairs? It’s true that many people feel physically weaker than when they were younger. And sometimes, this also affects their mental and emotional health. Dahil mahina na, some may feel hesitant to participate in physical activities; worse, some may feel useless.

Maging si Apostle Paul ay nakaranas din ng panghihina ng katawan dahil sa pangangaral niya ng Mabuting Balita (2 Mga Taga-Corinto 4:8–9; Mga Gawa 21:30–31). Pero sinabi niya sa mga taga-Corinto: “… hindi kami nasisiraan ng loob kahit na humihina ang aming katawang-lupa; patuloy namang lumalakas ang aming espiritu araw-araw.” Dahil naliwanagan na ang kanyang isip at nakilala niya si Cristo (v. 6), hindi na naka-focus ang paningin ni Paul sa mga panlabas na bagay, tulad marahil sa hitsura ng tao. Alam niyang may walang-hanggang nakalaan sa mga nagtitiwala kay Cristo (v. 18).

Dapat pa rin nating alagaan ang ating katawan, lalo na kapag tayo ay nagkakaedad na. Pero lalo nating pagtuunan ng pansin ang Panginoong Jesus na nagbibigay sa atin ng lakas at layunin habang tayo ay nabubuhay pa sa daigdig.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, thank You for strengthening me every day and for enabling me to do what You want me to accomplish.

APPLICATION

Araw-araw, maglaan ng panahon sa pagbabasa ng Bible. The Word of God will renew your mind, fill you with hope, and give you direction in life.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 13 =