17
SEPTEMBER 2024
Ang Tunay na Pagpapakumbaba
Kahit siya’y tunay na Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos, at naging katulad ng isang alipin. Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao, nagpakumbabá siya at naging masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus.
Mga Taga-Filipos 2:6–8
Isang boss ang lumapit at nag-utos sa kararating lang na empleyado. “May assignment ka,” sabi ng boss sa empleyadong kalalapag lamang ng kanyang gamit. “OK po, Boss,” sagot nito at nang umalis na ang kanyang boss, pabulong nitong sinabi, “Di makapag-antay agad-agad?”
Is saying yes to every command given to you a sign of humility? May points in humility ba kung susunod ka pero deep in your heart you grumble? At kung ikaw naman ay nakatataas, like a supervisor, naiisip mo ba ang epekto ng bawat utos mo at kung makabubuti ba sa kapakanan ng sinasakupan mo?
Ito ang paalala sa mga taga-Filipos, through the greatest example of humility that Jesus Christ showed the rest of humanity — to consider others better than yourself. He did it to the point of sacrificing His life so that the rest of us can live in freedom; the God who loved us despite our sins and died a mortal’s death so that we can be forgiven. This is the purest form of love and humility.
Iniisip mo ba ang kapakanan ng iba tuwing ikaw ay nagdedesisyon? Do you consider others better than yourself? Do you obey your boss with joy in your heart knowing that there is a God who is not deaf and hears the cries of your heart? Allow God to mold you to become a person who treats others just as God would treat them.
LET’S PRAY
Panginoon, ako po ay mayabang. Iniisip ko lagi ay ang sarili ko pero nais kong magbago at magpakumbaba. Turuan po Ninyo ako na isuko ang kayabangan ko sa Inyong harapan. Salamat po. Amen.
APPLICATION
Bago ka magdesisyon o gumawa ng hakbang na makaka-apekto sa ibang tao, isipin mo muna kung makabubuti ba ito sa mas nakararami o sa taong involved dito.