2

NOVEMBER 2023

Magsumbong Ka kay God

by | 202311, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Kata Inocencio & Written by Thelma A. Alngog

Maraming katangian ang ating Diyos. In our series starting today, we’ll learn about the justice of God. Join us in our new series “God is a God of Justice.”

Ilagak kay Yahweh iyong suliranin, aalalayan ka’t ipagtatanggol rin; ang taong matuwid, di niya bibiguin.

Awit 55:22

Napakahaba ng pila sa labas ng building na ‘yun kung saan naroon ang opisina ng isang programa. Nagpupunta roon ang mga tao para magsumbong at humingi ng tulong. May grupo ng mga trabahador na magsusumbong dahil hindi binabayaran ng kanilang kumpanya ang kanilang SSS, Pag-ibig, at Philhealth. Meron namang mag-asawa na isusumbong ang taong nagbenta sa kanila ng bahay pero binawi ang titulo na nakasangla sa bangko. Mukhang ido-double sale ang bahay. May isang ginang naman na hihingi ng assistance dahil iniwan siya ng asawa niya at sumama sa ibang babae. Hindi na sila binibigyan ng sustento. Sa haba ng mga taong nagrereklamo, pihadong hindi sila lahat ma-aaccommodate sa loob ng isang araw.

Tama lang na humingi ng hustisya ang mga taong inaapi, niloloko, at inaagrabyado. Sabi nga ng isang abogado, “Kapag may katwiran, ipaglaban mo!” Pero may mas higit at unang dapat lapitan ng mga tao kapag kailangan nila ng tulong. Sa Diyos tayo unang magsumbong. Siya ang tunay na abogado at judge natin. Aalalayan at ipagtatanggol Niya ang mga taong matuwid at hindi Niya bibiguin (Awit 55:22).

Iniwan ka ba ng asawa mo at di ka na nakakatanggap ng sustento? Magsumbong ka kay God. He is our Jehovah Jireh (Genesis 22:9–14), our God who provides. Incurable na raw ba ang sakit mo? Magsumbong ka kay God, He is our Jehovah Rapha (Exodus 15:22–26), our God who heals. Inagrabyado ka ba ng amo mo? Magsumbong ka kay Lord, He is Jehovah Shamah (Ezekiel 48:35), our ever present God. May nagdemanda ba sa iyo kahit alam mong wala kang kasalanan? Magsumbong ka kay God at bibigyan ka Niya ng hustisya. He is our Jehovah Nissi, the Lord our Banner (1 Corinthians 15:57). Naliligalig ka ba dahil sa matinding problema? Huwag mangamba, hindi ka Niya iiwan ni pababayaan man. He is Jehovah Shalom (Judges 6:16–24), our God of Peace. Always remember, we have God Almighty, the source of all our blessings (Genesis 49:22–26).

Tune in again in the next three days as we discover the different aspects of God’s justice.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, lumalapit kami sa Inyo at buong kapakumbabaang nagsusumbong tungkol sa aming mga suliranin sa buhay. Kayo lang po ang tanging may kapangyarihan na makakasagot sa aming mga problema. We are helpless, that’s why we need You.

APPLICATION

Matapos mong magsumbong sa Diyos, hingin mo sa Diyos ang susunod mong dapat gawin. Tiyak na gagabayan ka Niya at padadalhan ng mga taong makakapagbigay ng payo sa iyo.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 10 =