5

APRIL 2022

Mahilig Ka Bang Mag-“Sharon”?

by | 202204, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Lara Quigaman & Written by Deb Arquiza

Kung ikaw man ay matakaw, pigilan mo ang iyong sarili.

Mga Kawikaan 23:2

May time na nag-viral sa social media ang videos ng mga “Sharons.” Maririnig sa videos na tumutugtog ang “balutin mo ako…” na linya sa isang kanta ni Sharon Cuneta habang kita sa video na busy sa pagbabalot ng maraming pagkain ang ilang bisita sa mga handaan. Balot dito. Balot doon. May kanya-kanyang mga plastik na lalagyan pa!

The videos are funny, pero sa isang banda, nakalulungkot ding makita ang ebidensya ng tendency nating mga Pinoy na sumobra sa katakawan. Alam mo ba na ang sobrang katakawan o “gluttony” ay isa sa mga seven deadly sins na binanggit sa Bible? Ang gluttony ay nagbubunga ng selfishness, kasakiman, kawalan ng self-control, at pagkakaroon ng health issues. Dito rin pumapasok ang pagiging “takaw-mata” o ang habit ng pagkuha or pagbili natin ng sobra-sobrang pagkain na hindi naman natin kayang ubusin. We end up wasting food and money. We become slaves to our flesh. Kaya naman minsan, nahihirapan tayo mag-fasting. Hindi kasi tayo sanay magutom.

Hindi naman masama ang kumain at mag-enjoy sa masasarap na pagkain. Nagiging masama lang ito kapag sobra na. Hindi rin masama ang mag-“Sharon” ng pagkain mula sa mga parties, pero mas mabuti na isipin muna natin ang ibang hindi pa nakakakain, especially kung busog naman na tayo.

Alam mo bang nakayanan ni Jesus na hindi kumain sa loob ng forty days? Hindi Siya naging alipin ng katakawan. Pinalakas Niya ang Kanyang espiritu sa pamamagitan ng prayer, fasting, at pagbigkas ng salita ng Diyos. Sana ay tularan din natin si Jesus — na tayo ay maging matakaw sa Salita ng Diyos at hindi sa pagkain at mga bagay dito sa mundo. Tandaan naang tao’y hindi lamang sa tinapay nabubuhay, kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos” (Mateo 4:4).

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, patawarin po Ninyo kami sa aming sobrang katakawan. Tulungan po Ninyo kami na huwag maging sakim at pigilan ang aming mga sarili sa pagkain nang sobra. We surrender our excessive food cravings to You. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

The next time na ikaw ay nate-tempt mag-“Sharon,” hintayin na alukin ka bago magbalot. Isipin muna kung may iba pa bang hindi pa nakakakain at kumuha lang ng kaya mong ubusin.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 3 =