23

JULY 2023

Malasakit Hindi Pasakit

by | 202307, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Honeylet Adajar-Velves

Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang inyong sarili.

Mga Taga-Filipos 2:4

Si Melanie ang cashier noong araw na iyon nang mapansin niya ang may-ari ng kanilang boarding house na si Julieth. Para makahingi siya ng pabor na bigyan siya ng extension sa pagbabayad ng upa, inuna niyang tawagin si Julieth. Paglapit nito, isang senior citizen ang nagsabing nauna siyang pumila. “Nauna po talaga si Madam,” sagot ni Melanie sa matanda. Alam ng lola ang totoo kaya masama ang loob nitong umayon na lang kay Melanie. Dahil nakapagbayad naman agad si Julieth ng kanyang bills, nabigyan si Melanie ng extension sa upa.

After her shift, Melanie was shocked to see lola talking to her boss. Nanay pala si lola ng kanyang boss at hindi niya naihulog ang bonus sana nila sa bangko dahil pumila siya nang matagal kay Melanie. Kung naging patas lang si Melanie, umabot sana ang kanilang bonus at hindi niya poproblemahin ang lahat ng bayarin niya.

Madaling maging considerate kapag may matatanggap tayong benefit. Sa kuwento ni Melanie, ang intensyon ng kanyang ginawa ay para makahingi ng favor sa kanyang rent; therefore, sariling kapakanan ang inuna niya. Pero ang sabi sa Bible, we should be considerate of others, kahit pa walang magiging kapalit para sa atin. Sa halip na maging pasakit, sinasabihan tayo na magmalasakit!

Ibinigay ni God ang Kanyang only begotten Son na si Jesus para tubusin tayo sa ating mga kasalanan kahit alam Niyang wala naman tayong kayang ibigay na kapalit sa Kanya. At hindi naman nag-atubili si Jesus na magsakripisyo para sa atin. Ganito ring klaseng consideration at pagmamahal ang itinuturo ng Diyos na gawin natin sa iba.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, Kayo ang best example kung paano magmalasakit at magmahal ng aming kapwa. Give me the grace para masunod ko ang example Ninyo sa mga simpleng bagay na ginagawa ko araw-araw.

APPLICATION

Practice being considerate of others through small but significant gestures, gaya ng pagtatapon sa trash bin ng disposables na pinagkinainan mo sa fastfood. Makakabawas ito sa gagawin ng service crew. What else can you do?

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 9 =