13
OCTOBER 2025
Mamamatay Na Nga Ako

We have one life to live here on earth. How will you live it? Welcome to the last part of our short series “Pag-usapan Natin.”
Dahil itong buhay nami’y maikli lang na panahon, itanim sa isip namin upang kami ay dumunong.
Awit 90:12
Balikan natin ang magkaibigang Boying at Roy. “Mamamatay na nga talaga ako,” bigkas ni Boying sa kaibigan. “Uy pare, ano ba, ayan ka na naman, ibahin na natin ang usapan,” muling sagot ni Roy. Pero hindi tumigil si Boying, “Eh lahat naman tayo ay mamamatay, pare, di lang natin alam kung kailan o papaano. Di porke’t matanda na tayo at may sakit, ay mamamatay na tayo agad. Puwedeng mangyari ito sa bata o matanda, habang tayo’y natutulog o kumakain, o tumatawid ng kalye. Pag panahon na natin, game over na.” Di na nakapagsalita si Roy. He knows all too well that the doctor has given his friend six months to live. To hear Boying speak this way was both frightening and inspiring.
Sa Awit 90:12, ang sabi ng Bible, “Dahil itong buhay nami’y maikli lang na panahon, itanim sa isip namin upang kami ay dumunong.” We are reminded of how important it is to make our days matter. Marami nang mga pelikula at libro na may ganitong paksa. Ang mga may taning na ay gumagawa ng mga bucket list, mga magic list ng mga gusto nilang gawin bago sila mamatay. Nariyan na ‘yung gusto mamasyal sa ibang bansa, makakain ng exotic dishes, magtayo ng monumento para sa sarili, subukan na ang lahat ng bisyo, at magpakasasa. “I have one life to live!” Iyon ang kanilang sigaw.
At meron din naman ‘yung mga naghahanap pa ng mga paraan kung paano makakatulong sa iba. “It’s no longer about me,” sabi ni Boying. “Habang kaya pa, I’d like to do good for others. I also want to reconcile with everyone I’ve offended. I want to make things right before I go.” Tuluyan nang napaiyak si Roy sa tila pagbabagong-buhay ng kanyang kaibigan. Sometimes, these death sentences make us more alive than when we were merely living.
Let’s be thankful each day for God’s gift of life and live for Him. If you’ve been blessed with this devotion, we invite you to share it with your family and friends, and join us again tomorrow for another inspiring message from the Word of God!
LET’S PRAY
Father in heaven, You alone know the number of our days here on earth. We pray for wisdom to guide our every decision, and may we invest in what truly matters. Help us to live in good standing with You, our Creator, and lover of our souls. Amen.
APPLICATION
Di na tayo magpapatumpik-tumpik pa, let’s review our bucket lists. And start doing it. Share n’yo naman sa social media what’s in your list, and why.
SHARE THIS QUOTE
