9

OCTOBER 2023

May “Bakit List” Ka Ba?

by | 202310, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jericho Arceo & Written by Thelma A. Alngog

Aakyat ako sa bantayan at hihintayin ang sasabihin ni Yahweh sa akin, at ang tugon Niya sa aking daing.

Habakuk 2:1

Sa isang retreat ng senior high school students, pinagawa ang mga estudyante ng kani-kanilang bucket list. Pagkatapos ay pipiliin nila ang kanilang top five priorities na gagawan nila ng isang handicraft vision board. Then isa-isa nilang prinisent ang kanilang creation at sinagot ang mga tanong ng panelists.

Ang mga bucket list ng mga estudyante ay naging “bakit list” ng mga panelist! Bakit top one mo ang makatapos ng pag-aaral? Bakit malapalasyong bahay ang dream house mo? Bakit sports car ang fave mo? Ang daming “bakit” ng mga panelist at kailangang sagutin ito ng mga estudyante para malaman nila ang tunay na dahilan ng kanilang priority sa buhay.

Isa sa mga student na nagsabi na ang top one niya ay magkaroon ng malapalasyong bahay ang naluha at nanginginig na nagsabi ng kanyang dahilan. Twenty years na daw kasi silang palipat-lipat ng bahay sa mga lugar na mabaho, siksikan, at maraming kapitbahay na mabisyo at gumagawa ng masasama. Kaya naitanong niya sa Diyos, “Bakit po wala kaming sariling bahay? Bakit dito kami nakatira?” Nag-pray ang estudyanteng ito at naghintay sa sagot ni Lord. Later on, after a year, he received the Lord’s answer to his prayer. God used His aunt to give them a brand-new house in a subdivision.

Nagkaroon din ang propetang si Habakuk ng “bakit list”. Ang dami niyang naging tanong kay Lord. Hindi niya maintindihan kung bakit ang isang bansang imoral at hindi kumikilala sa Diyos gaya ng Babylon ang gagamitin Niya para disiplinahin silang mga taga-Juda. Tama ba na gayahin natin si Habakuk, na magtanong rin tayo nang magtanong sa Diyos?

Isa sa mga sagot ni Yahweh kay Habakuk ay ito: “Masdan mo ang mga bansang nakapalibot sa iyo at mamangha ka at magugulat sa iyong makikita. Hindi magtatagal at mayroon akong gagawing hindi mo paniniwalaan kapag nabalitaan mo” (Habakuk 1:5). Habakkuk asked God and He learned to wait, listen, and obey Him. Natuto siyang manampalataya sa Diyos kahit hindi pa niya nakikita ang mga sagot (2:4; 3:17–18). Ikaw, naghihintay ka rin ba ng kasagutan ni Lord?

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, marami kaming tanong at minsan ay naiinip na kami. Tulungan Ninyo kaming manampalataya pa rin. I will wait for Your answers to my prayers, in Jesus’ name. Amen.

APPLICATION

Sabihin mo sa Diyos ngayon honestly and specifically ang iyong mga nararamdaman at katanungan. It’s okay to ask God but be sure you read His Word, wait upon Him, listen, and obey His instructions.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 14 =