27

JANUARY 2023

May FOMO Ka Ba?

by | 202301, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Jeaneth DP. Panti

Ano nga ang mapapala ng tao makamtan man niya ang buong daigdig kung ang mapapahamak naman ay ang kanyang sarili?

Lucas 9:25

Habang nagi-scroll ka sa newsfeed, bubungad sa iyo ang post ng isang kaibigan na nage-enjoy sa kanyang weekend getaway sa beach. Pinusuan mo naman ang isang post na may caption na “relationship goals,” at nag-mark as “going” sa isang social gathering. Para hindi mahuli sa uso, makikisali ka rin sa trending tweet at panay comment sa viral videos.

Nagwo-worry ka ba na may nangyayaring maganda o exciting sa mga tao sa paligid mo nang hindi mo alam o na hindi mo nae-experience? O naitanong mo na ba sa sarili mo kung bakit hindi ganoon ka-exciting ang buhay mo?

Kung oo, marahil ay nakararanas ka ng FOMO o Fear of Missing Out. Ayon sa psychology experts, ang FOMO ay maaaring mag-lead sa kalungkutan at depression. This fear drives us to compare ourselves to others in a negative way. Kaya may tendency na pinipilit nating baguhin ang sarili natin huwag lang may ma-miss out. At kung kailangan mo pang mag-put up ng “perfect front” para lang hindi ka ma-left out, maaari kang mapagod sa pressure na dulot ng fear na ito.

Are you struggling with the fear of missing out? Panahon na para mag-log out sa idinidikta ng mundo at mag-log in sa plano ng Diyos para sa ’yo. Ipinapaalala sa atin sa Luke 9:25 na balewala ang lahat ng bagay sa mundo kung mawawala at mapapahamak tayo. Sure, we can connect with friends and families because we want to belong and feel loved. Gusto rin natin ma-experience ang lahat ng best sa mundo. Jesus will let us experience those things without the pressure of conforming to this world. Fear not!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat dahil sa oras na ito ay tinatanggal Ninyo ang lahat ng takot at inggit sa puso ko. I appreciate lahat ng mayroon ako ngayon na galing sa Inyo. I trust that You will supply all I need according to Your riches. Amen.

APPLICATION

Subukan mong mag-log out sa iyong social media for a while. Maglaan ng oras araw-araw para i-appreciate ang iyong loved ones at lahat ng meron ka.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 11 =