24

APRIL 2021

May Hangganan ang Bagyo

by | 202104, Devotionals, Fear

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
"
Narrated by Felichi Pangilinan Buizon & Written by Felichi Pangilinan Buizon

Ang bagyong malakas, pinayapa niya’t kanyang pinatigil, pati mga alon, na naglalakihan ay tumahimik din. Nang tumahimik na, sila ay natuwa, naghari ang galak, at natamo nila ang kanilang pakay sa ibayong dagat.

Mga Awit 107:29-30

Nakapagmaneho ka na ba sa gitna ng malakas na bagyo? Tapos light vehicle pa ang dina-drive mo. Scary siya. Imagine, kaliwa’t kanan yumuyuko ang mga puno dahil sa hagupit ng hangin. Samo’t saring objects ang nagliliparan tapos nayayanig pa ‘yung kotse sa pressure ng matinding hangin. All you want is to get home as soon as possible. Kaya napapa-pray ka ng, “Lord, ingatan Ninyo ako and lead me home.”

Whether actual typhoon o pagsubok sa buhay, hindi natin ito matatakasan. Buti na lang may mga insight sa Awit 107: 29-30 that can increase our faith and encourage us to face any storm.

INSIGHT 1. It is the Lord who will tell our storm to “Be Still.” Kahit parang nilalamon na tayo ng matataas na alon, huwag nating kalimutan na ang hangin at alon ay sumusunod kay Lord. Isang salita lang ng Hari ng Kalikasan, tumitigil ang lahat ng kaguluhan.

INSIGHT 2. Every storm has an end. Hindi habang panahon madilim ang ulap at malakas ang ulan. Huhupa rin ang bagyo. Sisikat din ang araw. Alam mo ba na ang bagyo ay maaaring tumagal ng mula labindalawa hanggang dalawang daang oras? Maaaring ang bagyong dinadaanan natin ay mas matagal kaysa pinagdaanan na ng iba. Pero huwag tayong tumingin sa haba ng bagyo; tumingin tayo sa Diyos who knows the end from the beginning.

INSIGHT 3. We are not storm-free but storm-proof. We will make it through the storm, but it doesn’t mean na wala ng bagyong darating uli. Pero kahit may dumating pa uling bagyo, remember that God has equipped us for the storm. We will end up stronger in the Lord after the storm. Think about this: Paano natin mararanasan ang saklolo ng Diyos Ama kung hindi naman tayo nanganganib? Paano natin hahanapin ang liwanag kung hindi naman madilim? Paano natin mararanasan ang katatagan ng mga pangako ni Lord kung hindi nasusubukan ang mga ito? Storms reveal our weaknesses and God’s strength!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, salamat at mas malakas Kayo sa bagyong nararanasan ko. Salamat at tatahimik din ito. In Your time and in Your terms, You will make all things peaceful and beautiful. Salamat at pinatatatag Ninyo ako. Sa pangalan ni Jesus, Amen.

APPLICATION

May kakilala ka ba na may matinding pinagdadaanan? Ipag-pray mo siya at i-share mo sa kanya ang tatlong insights na ito para mabigyan siya ng pag-asa at ma-encourage naman siya.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 15 =