14
NOVEMBER 2023
May Magandang Plano Pala ang Diyos
Masama nga ang inyong ginawa sa akin, subalit ipinahintulot iyon ng Diyos para sa kabutihan, at dahil doo’y naligtas ang marami ngayon.
Genesis 50:20
Have you been enjoying a successful business, or maybe a promising career and a high paying job, then sa isang iglap ay nawala? Naranasan ito ng marami nang kumalat ang COVID-19 pandemic. Many wondered why a good and loving God allowed such a crisis. Those who stood firm in their faith and trusted the Lord found new opportunities and discovered God’s plans for their lives. They experienced how God turned a bad situation into good.
Naranasan ito ni Joseph nang gamitin ng Diyos ang masakit niyang sinapit upang matupad ang maganda Niyang plano sa sanlibutan. Tinangka siyang patayin ng mga kapatid. Inihulog sa balon (Genesis 37:24), subalit pagkatapos ay ibinenta na lamang bilang alipin (Genesis 37:27–28). Habang matapat na naninilbihan, inakit siya ng asawa ni Potiphar. Nang siya ay tumanggi, pinagbintangan siya ng tangkang rape kaya nakulong sa kasalanang hindi niya ginawa (Genesis 39:6–12, 19–20).
Sa kabila ng lahat, nanatiling matatag si Joseph sa kanyang pananampalataya. In prison, he interpreted the dreams of the chief cupbearer (who was later restored to his position in the palace) and the chief baker who was hanged to his death.
Nakalimutan na siya ng napalayang chief cupbearer. Nang managinip si Pharaoh at walang makapag-interpret sa kanyang panaginip, naalala ng chief cupbearer si Joseph.
Pharaoh summoned Joseph and told him about his dreams. God revealed to Joseph what would happen: seven years of abundance followed by seven years of famine. Because of his God-given wisdom. Pharaoh made him ruler over Egypt (Genesis 41:1–41).
When the famine started, Joseph’s brothers traveled to Egypt to buy food. Hindi nila nakilala si Joseph. Nang makita ni Joseph ang pagbabago sa mga kapatid, nagpakilala siya at pinatawad sila. Patunay si Joseph na kahit ang masamang pangyayari ay ginagamit ng Diyos para sa mabuti (Genesis 50:20).
LET’S PRAY
Panginoon, nawawalan ako ng pag-asa dahil sa mga hamon sa buhay. Build in me an enduring hope that no matter my circumstances, I will keep on trusting You. Amen.
APPLICATION
Consider trials in your life as blessings for the power of God will eventually manifest in you. Magpakatatag ka sa iyong pananampalataya sapagkat may magandang plano ang Diyos sa iyo.