13

NOVEMBER 2023

Itatayo Ka Niyang Muli

by | 202311, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Timmy Yee

Sapagkat siya’y makatatayong muli mabuwal man ng pitong ulit. Ngunit ang masama ay dagling nababagsak sa panahon ng kahirapan.

Kawikaan 24:16

Sa isang 10k Run sa London, isang marathon runner ang halos mag-collapse na dahil sa sobrang pagod at matinding init. Buti na lang isang Filipina nurse, na kasama sa race, at isa pang runner ang tumulong para hindi siya tuluyang bumagsak. Hindi lang iyon; sinamahan pa siya ng sumaklolo sa kanya para makaabot sa finish line.

Nadapa o nabuwal ka na rin ba? Ilang beses? Isa? Dalawa? Sampu? In your life journey, ilang beses mo nang naisipang sumuko dahil sa mga pagsubok sa buhay? Kung nararanasan mo ito, huwag ka muna sanang sumuko at mawalan ng pag-asa. Hindi pa tapos ang lahat. Kahit isandaang beses ka nang nagkamali, meron pa ring pag-asa. 

God loves us so much that His desire for us is not to fall all the time, but to rise and overcome. As our Father, He wants us to trust Him and follow His lead. Kung madalas tayong nadadapa, hindi kaya dahil we are not allowing God to correct our wrong ways? Sa kabila nito, dahil sa biyaya ng Diyos, mabuwal man tayo ng ilang ulit, itatayo pa rin tayo ng Diyos natin na nagmamahal. Sabi ng Awit 37:23–24, “Ang gabay ng tao sa kanyang paglakad, ay itong si Yahweh, kung nais maligtas; sa gawain niya, ang Diyos nagagalak. Kahit na mabuwal, siya ay babangon, pagkat si Yahweh, sa kanya’y tutulong.” Kung maraming beses ka nang nagkamali at nadapa, tawagan mo ang Panginoong Jesus at tutulungan ka Niya.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoong Jesus, ilang beses na po akong nagkamali, hindi ko na po alam ang aking gagawin. Iwasto po Ninyo ang mali kong gawain at ituro Ninyo sa akin ang tamang landas. Sa Iyo po ako nagtitiwala. Salamat sa Iyong biyaya.

APPLICATION

Magself-check. Saan ka madalas magkamali? Anong mga kahinaan mo? Pagkatapos, pagbulay-bulayan mo ang 2 Corinthians 12:9; Psalm 73:26; Romans 8:26; and 2 Timothy 1:7. Let these verses encourage you as you follow Jesus.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 6 =