4

JANUARY, 2021

May Magandang Plano si Lord para sa Iyo

by | 202101, Devotionals, God's Plan

Share with family and friends

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Honeylet Venisse Velvez
Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito’y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.

Jeremias 29:11

Kapag nagbo-browse ka sa social media, maaaring nakikita mo ang posts ng iyong dating kaklase tungkol sa success niya bilang boss, habang ikaw naman ay nasa bahay at nag-aalaga ng anak. Napapaisip ka kung ano nang nangyari sa buhay mo. Ang hindi mo alam, maaaring stressed na si dating classmate sa kanyang trabaho at ang hangad naman niya ay ang buhay na meron ka. Kapag sinusukat mo ang iyong sarili na ang batayan ay ang buhay ng ibang tao, ang magiging feeling mo ay talagang napag-iiwanan ka na.

Pero the truth is, may magandang plano ang Diyos para sa iyo. Maaaring kinailangan mong tumigil sa pagtratrabaho sa panahong ito dahil kailangang may mag-alaga sa iyong anak. But more than that, the Lord could be honing you to be more understanding and compassionate, and He’s doing that through the experiences that you’re going through as a mom during this season. Maaaring gusto rin ni God na i-train mo ang lumalaki mong anak according sa maganda at biblical work ethics na meron ka nang sa gayon, in the future, magiging magaling din siya sa anumang career path na tahakin niya.

Napakaraming dahilan kung bakit nariyan ka sa kalagayan o posisyon mo ngayon. Anuman ang season ng buhay na pinagdadaanan mo ngayon, isang bagay ang sigurado: laging maganda ang plano ng Diyos para sa iyo.

Share this encouraging page to family and friends.

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, tulungan Ninyo akong huwag tumingin sa buhay ng ibang tao, instead, train my eyes to focus on You and what You’re doing in my life. Give me the grace to do the tasks You have given me. At salamat na hindi Kayo nagsasawang magpaalala sa akin kung gaano ako kaespesyal sa Inyo at kung gaano kaganda ang plano Ninyo para sa akin. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Sauluhin ang Jeremias 29:11. Identify your role in this season of your life and believe that the best is yet to come.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 15 =