10

AUGUST 2022

Si Jesus at ang Bulag

by | 202208, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Michellan Alagao

Nang marinig ng bulag [Bartimeo] na ang nagdaraan ay si Jesus na taga-Nazaret, sumigaw siya nang sumigaw, “Jesus, Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!” Pinagsabihan siya ng mga taong naroroon upang tumahimik, ngunit lalo pa siyang nagsisigaw, “Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!” Tumigil si Jesus at kanyang sinabi, “Dalhin ninyo siya rito.” … “Ano ang gusto mong gawin ko para sa iyo?” tanong sa kanya ni Jesus. Sumagot ang bulag, “Guro, gusto ko pong makakitang muli.” Sinabi ni Jesus, “Kung gayon, magaling ka na dahil sa iyong pananampalataya.” Noon di’y nakakita siyang muli, at sumunod kay Jesus.

Marcos 10:47–49, 51–52

Lahat tayo ay siguradong makakaranas ng iba’t ibang uri ng pagsubok or obstacle. Merong maliit at madaling lampasan, meron ding may kabigatan at di basta-basta masosolusyunan. Sa case ni Bartimeo, ang kanyang blindness ay isang malaking obstacle na hindi basta-bastang  magagamot,lalo na nung panahon iyon. Kahit ngayon na advanced na ang medical technology, marami pa ring disabilities and conditions na hindi pa kayang gamutin. A person with the said disability or medical condition struggles for a lifetime. Kaya gayon na lamang kalakas ang sigaw ni Bartimeo nang malaman niyang dumadaan si Jesus. Alam niyang si Jesus lamang ang kanyang pag-asang makakita muli.

Anong lessons ang mapupulot natin sa encounter na ito ni Jesus at Bartimeo?

Una, kailangan nating tumawag kay Jesus nang buong lakas, sa abot ng ating makakaya. Pangalawa, kailangan nating i-acknowledge ang kingship at majesty ni Christ, na ginawa ni Bartimeo sa kanyang pagtawag kay Jesus bilang “Anak ni David.” Pangatlo, sa ating pagtawag sa Panginoon, huwag nating masyadong pansinin ang mga taong nakapalibot sa atin na pumipigil sa ating efforts. Pang-distract lang sila. Kailangan nating maging focused sa ating paglapit kay Jesus. Pang-apat, dapat tayong maging bold. Kailangang malinaw sa atin kung ano ang ating affliction, at kung ano ang hinihiling natin sa Kanya. Panlima, kailangan nating maniwala na gagawin ni Jesus ang Kanyang sinasabi.

At kahit anong mangyari, huwag natin kalimutang sumunod kay Jesus, sapagkat ang sinumang sumunod sa Kanya ay magkakaroon ng liwanag sa buhay, at hindi lalakad sa kadiliman (John 8:12). Si Jesus na nagpagaling sa bulag noon ay Siyang Jesus na pwede pa rin nating lapitan ngayon.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Jesus, pagalingin Ninyo po ako. Gustong kong gumaling at lumakas. Please heal me. At kahit ano pa ang mangyari sa aking buhay, help me follow You. Gusto kong sumunod sa Iyo.

APPLICATION

Ikaw ba ay may pinagdadaanan matinding pagsubok o karamdaman? Ilapit mo ito kay Jesus.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 10 =