27

MARCH 2021

Move On Na

by | Devotionals, You

Share with family and friends

Narrated by Icko Gonzalez

Mga kapatid, hindi ko ipinalalagay na nakamit  ko na ito. Ngunit isang bagay ang ginagawa ko: nililimot ko ang nakaraan at sinisikap na marating ang layuning nais kong makamtan. Nagpatuloy nga ako patungo sa hangganan upang makamtan ang gantimpala ng pagkatawag sa akin ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus, ang buhay na hahantong sa langit.

Filipos 3:13-14

Noong 1980s, sumikat sa Pilipinas ang pangalan ng isang babaeng athlete.  Siya si Lydia De Vega, ang tinaguriang “Asia’s fastest woman.” Nagkamit siya ng maraming gold medals para sa 200- at 400-meter dash at nakatanggap din siya ng iba’t ibang karangalan. Masasabing matagumpay na atleta si Lydia De Vega.

Hindi biro ang pinagdadaanan ng mga athlete. Sumasailalim sila sa extreme training pero ang bawat hirap, sakripisyo, at pagod nila ay nababalewala kapag nanalo na sila sa laban. Good runners will not let their failures hold them back from reaching their goal, and that is to win the prize.

Even Paul said, ”…hindi ko ipinapalagay na nakamit ko na ito. Ngunit isang bagay ang ginagawa ko:  nililimot ko ang nakaraan  at sinisikap na marating ang layuning nais kong makamtan.” Hindi niya hinayaan ang anumang bagay na maging hadlang para makapagpatuloy siya sa kanyang takbuhin.

Bago naging apostle si Paul, he was Saul who persecuted the church (Acts 8:2-3). Noon kayang naging Christian na si Paul, lagi kaya niyang binabalikan ang kanyang kasalanan? Nangibabaw kaya sa kanya ang kahihiyan dahil sa pag-persecute niya sa church? Wala tayong mababasa sa New Testament na hindi naka-move on si Paul.

Ang malinaw, Paul repented and received forgiveness from our merciful God. Because of that, Paul was able to forget his past. Hindi lang iyon; tinanggap niya rin personally from Jesus ang calling na mag-preach ng good news about salvation and forgiveness through Jesus Christ. Ito ang naging focus ni Paul.

How are you running the race of life? Hindi ka ba makatakbo kasi meron ka pang unconfessed sin? Or are you hampered by doubts, unbelief, and insecurity? Don’t let your past sins, mistakes, and failures stop you sa pag-abot ng magandang future. Confess your sins and receive God’s forgiveness. At sa biyaya ng Diyos, buong tiyagang tumakbo sa paligsahang ating sinalihan na nakatuon ang paningin kay Jesus (Hebreo 12:1-2).

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, tulungan Ninyo akong maka-move on from my past. Inaamin ko ang mga kasalanan ko. I believe that Jesus died on the cross to pay for my sins. I receive Your forgiveness. Help me to live according to Your good plans para sa buhay ko. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Huwag mong isipin lagi ang past mistakes mo. Think about your future with Jesus and recite how you want your future to be like.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 6 =