15
DECEMBER 2024
Muntik Nang Maging Trahedya
Tinutulungan niya, mga nagdurusa at di binibigo ang walang pag-asa.
Awit 34:18
Nanlaki ang mga mata ni Eli sa kuwento ng kanyang best friend na si Emman. “Nagawa mo ‘yon?”
“Gulong-gulo ang isip ko noon,” sagot ni Emman. “At buti na lang hindi ko tinuloy,” dagdag niya.
Earlier, nag-open up si Emman at ikinuwento ang recent struggle niya sa depression. “Nasa 28th floor ako sa opisina ni Mrs. Tuwing hapon ay sinusundo ko siya. Nang panahong iyon, dumadaan ako sa matinding episode ng depression. Hindi ako makatulog sa gabi. Wala akong gana sa buhay. Yung dating gusto kong gawin ay hindi ko na magawa. Nang dumating ako sa kuwarto ni Mrs, sabi niya mga 10 minutes pa siya dahil ay kailangan siyang tapusin. Kaya nagpunta ako sa men’s room. Nakita ko yung malaking bintana kung saan kitang-kita mo yung Ortigas Avenue na puno ng maraming sasakyan. Rush hour kasi.”
Patuloy ni Emman, “Pumasok sa isip ko — ‘Tumalon ka na lang para matapos na ang struggles sa buhay mo.’ Buti na lang at natauhan ako. Dali-daling akong bumalik sa asawa ko.”
Nag-alala ang kanyang kaibigan. “Naikuwento mo na ba ito kay Elsa?” tanong ni Eli. “Hindi pa nga. Nahihiya ako. Baka ano pa ang isipin nya,” ang sagot ni Emman.
“Salamat sa pagkuwento mo sa akin. Hindi madaling i-share yung nangyari sa iyo. Pero dapat mo ring sabihin ito kay Elsa. Para alam din niya ang iyong pinagdadaanan,” ang naging payo ni Eli.
Nagpasalamat si Emman sa pakikinig ng kaibigan at sinabing gumaan din ang kanyang pakiramdam sa pagku-kuwento niya.
Bago matapos ang kanilang pag-uusap ay sinabi sa kanya ni Eli, “Mahirap solohin ang ganyang klaseng problema.” Pinaalala rin nito kay Emman na huwag nitong kakalimutan na ang Panginoon is just a prayer away.
Nasa posisyon ka ba ni Emman ngayon, na nakakaranas ng magulong pag-iisip, o sa posisyon ni Eli na handang makinig sa pinagdadaanan ng kaibigan?
LET’S PRAY
Panginoon, tulungan mo po akong maging sensitive sa mga taong dumadaan sa mga mahihirap na challenges sa buhay. Nawa’y maging encouragement po ako sa kanila.
APPLICATION
Baka meron kang kaibigan na nag stru-struggle sa matinding pagsubok. Kausapin mo sila at ipakita mo na concerned ka sa kanila. Maaaring gamitin ka ng Diyos para makaiwas sila sa isang trahedya. Kung ikaw naman ay nagsa-struggle sa suicidal thoughts, tumawag ka ngayon sa CBN Asia prayer Center 8663-0700. Sila’y handang tumulong 24/7.
SHARE THIS QUOTE
