31

JANUARY 2021

Na-Judge Ka Na Rin Ba?

by | 202101, Devotionals, Respect

Share with family and friends

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jewel Valeroso

Huwag kayong humatol, nang kayo’y di hatulan. Sapagkat hahatulan kayo ng Diyos ayon sa paghatol ninyo sa iba, at susukatin kayo ayon sa panukat na ginagamit ninyo sa iba. Bakit mo pinapansin ang puwing sa mata ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinapansin ang trosong nasa iyong mata?

Mateo 7:1-3

Naranasan mo na bang ma-judge ng ibang tao? Ano ang naramdaman mo? Masakit, hindi ba? At kapag tayo naman ang nakakita o nakapansin ng mali ng iba, more often than not, naju-judge rin natin sila. Bakit kaya ito nangyayari? At bakit mahirap pigilan ang ating sarili na mag-isip ng masama tungkol sa ating kapwa?

Ang sabi ng author na si James Bryan Smith, “There are two primary reasons why we judge others: to fix people or to make us feel better about ourselves.” Gusto nating subukang baguhin ang ibang tao dahil sa mga pagkakamaling nakikita natin sa kanila. At madalas, kapag jina-judge natin ang iba, we feel na mas magaling tayo o mas nakaka-angat tayo kaysa sa kanila.

Ayon kay Mother Teresa, “If you judge people, you have no time to love them.” Agree ka ba? Kapag nauuna ang judgment at condemnation, hindi natin binibigyan ang ating sarili ng pagkakataong mahalin ang kapwa natin. Wala tayong oras na mas kilalanin sila at unawain.

Mahirap mang sundin ang sinasabi ni Jesus na, “Do not judge others,” hindi naman ito imposible basta kasama natin Siya. Ang sabi Niya sa Matthew 7:7 (ERV), “Keep on asking, and you will receive what you ask for. Keep on seeking, and you will find. Keep on knocking, and the door will be opened to you.”

Alam Niya ang kahinaan natin at gusto Niya tayong tulungan. Kaya hingin natin ang tulong Niya para magawa nating mahalin at unawain ang ating kapwa. Siya ang Diyos na nakakaalam ng laman ng puso’t isipan, pati kilos, ng lahat. Siya rin ang nagpapaalala sa atin na tayong lahat ay nagkasala sa Kanya pero pinatawad at tinanggap Niya tayo. Kaya sa tulong ni Jesus, sa pamamagitan ng pag-ibig na inilagay Niya sa ating puso, magagawa rin nating unawain at mahalin ang iba.

Share this encouraging page to family and friends.

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, tulungan Ninyo akong mahalin ang mga taong nasa paligid ko. Please teach me, Lord, to understand their situation sa halip na mag-judge agad. Inaamin ko na nakapag-isip ako ng masama tungkol sa iba. Salamat sa inyong pagpapatawad.

APPLICATION

Next time na matukso kang manghusga agad sa iba, ipanalangin mo ang taong iyon. Idagdag ang pangalan niya sa iyong Prayer List.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 7 =