15
FEBRUARY 2021
Nagmahal, Nasaktan, Nawasak, Nabuo
Share with family and friends
At ang mga pusong wasak ay kanya ring lulunasan, ang natamo nilang sugat ay bibigyang kagalingan.
Mga Awit 147:3
Kung mahilig ka mag-browse sa social media posts, siguradong familiar ka sa viral na hugot lines na “Nagmahal. Nasaktan. Nag-move on.” na naging sobrang patok sa netizens.
Bakit ito pumatok? Kasi maraming nakaka-relate. Marami ang bigo at sawi sa pag-ibig. Maraming puso ang lumuluha at nawawasak. Maraming puso ang basag at durog. Maraming puso ang may sakit at naghahanap ng lunas sa mga sugat nila. Kaya naman hindi na rin nakapagtataka kung bakit nauuso na naman lately ang love dramas at love doctors sa radyo. Many people are searching for answers, healing, and closure sa kanilang heartaches.
This recent trend only goes to show na maraming tao talaga ang hurting at broken. They might look like they are okay on the outside, pero hindi natin alam na hirap na hirap na pala sila sa sakit na dinadala nila—sakit na hindi nakikita sa labas dahil ito ay nasa loob, sa kanilang mga wasak na puso. At kung may sakit sila, then they need healing. At sino ba ang Great Healer natin? Walang iba kundi si Jesus!
Akala natin, kapag sinabing healing, ito ay tumutukoy lamang sa mga physical sickness ng ating katawan. But no! Kasama sa healing na ipinangako ni Lord sa atin ang healing para sa ating mga basag at wasak na puso. Hindi lang physical sicknesses ang kayang pagalingin ni Lord! Kasama sa binayaran ni Jesus noong napako Siya sa cross at bumuhos ang Kanyang dugo ang ating emotional illnesses and brokenness. Therefore, we can claim healing for our wounded hearts!
Kung ikaw ay nagmahal, nasaktan, at nawasak ang puso, good news! May healing na kaloob ang Diyos sa iyo. Gusto ni Jesus na maranasan mo ngayon ang kagalingan because He loves you. Ito ang pangako Niya sa kanyang Salita na dapat mong panghawakan: “At ang mga pusong wasak ay kanya ring lulunasan, ang natamo nilang sugat ay bibigyang kagalingan” (Mga Awit 147:3). Let go of all your pains and allow Him to heal your heart. And after this, masasabi mo confidently sa iba na minsan kang nagmahal, nasaktan, nawasak pero dahil kay Jesus, ikaw ay muling gumaling at nabuo.
Share this encouraging page to family and friends.
LET’S PRAY
Lord, I give to You all the broken pieces of my heart. Now I believe that You have healed me and have made me whole again. Nile-let go ko na ang lahat ng aking sakit na dinadala at tinatanggap ko ang Inyong pag-ibig, kagalakan, at kasiglahan. In Jesus’ name, Amen.
APPLICATION
Sa halip na sa tao, sa social media, or radyo ka unang humingi ng advice, kay Lord muna lumapit. Ikuwento mo kay Lord kung bakit ka broken at manalangin na pagalingin niya ang sugat ng iyong puso.