19
FEBRUARY 2024
Nahihiyang Mag-Pray?
Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin nang wasto, kaya’t ang Espiritu ang dumaraing para sa atin, sa paraang di natin kayang sambitin. At ang Diyos na siyang nakakasaliksik sa puso ng tao, ang siyang nakakaalam kung ano ang kalooban ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu ang namamagitan para sa mga hinirang, ayon sa kalooban ng Diyos.
Mga Taga-Roma 8:26–27
Nahihiya ka bang mag-pray out loud? Hindi ka nag-iisa, kapatid! Pero why?
Aminado si Nanette na hindi siya magaling manalangin, di tulad ng kanyang friends sa church who pray with confidence, using deep, flowery words na maka-takwil-demonyo talaga! How to be them? Mahina ang kanyang loob at minsa’y naitatanong din na, “Kailangan bang mag-pray in public in the first place?” ‘Di ba sinabi sa Mateo 6:6–8 na kapag mananalangin ka, dapat na pumasok ka sa silid, isara ang pinto, at huwag gumamit ng mga salitang walang kabuluhan?
So ano ba talaga? Sa Taga-Roma 8:27 nakasulat, “At ang Diyos na siyang nakakasaliksik sa puso ng tao … ” God judges the heart. Ke-matalinhaga pa ang panalangin natin o simple lamang, nasa loob man tayo na ating mga silid o nasa labas, tinitingnan ng Panginoon ang ating mga puso. Hindi naman masamang mag-pray out loud at gamitin ang galing sa pagbigkas kung meron tayo noon. If we are knowledgeable about the matter being prayed for, mainam to pray intelligently. Basta hindi tayo nagpapa-impress sa tao o sa Diyos. Wala ring masama kung maikli lang ang prayer, basta taimtim at dalisay ang pusong pinanggagalingan nito. OK din to pray without using words. Hayaan nating “ang Espiritu ang dumaing para sa atin, sa paraang di natin kayang sambitin.”
LET’S PRAY
Panginoon, teach me to listen and be led by the Holy Spirit whenever I pray. Speak Your Word into my heart that the declaration of my mouth may be empowered by You alone. In Jesus’ name, I pray. Amen.
APPLICATION
If you want to gain confidence to pray in public, magpractice in private. Subukang isulat ang iyong panalangin at basahin ito out loud. Mainam din to pray intelligently. Kunwari, to pray against diseases, mag-research tungkol sa kung ano ang nangyayari sa katawan pag may ganung karamdaman and pray accordingly.
Best of all, read your Bible. Habang patuloy na binabasa ang buhay na Salita ng Diyos, naninirahan ito sa ating diwa, naitatanim, nag-uugat, at namumunga. Di ba nga’t nagugulat na lang tayo when in times of crisis ay bigla nating nabibigkas ang mga verses na hindi naman natin minemorize?