31

JANUARY 2024

Nakikita Ba ang Iyong Liwanag?

by | 202401, A witness for God, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by J. Silvestre C. Gonzales

Sa gayon, magsisilbi kayong ilaw sa kanila, tulad ng bituing nagniningning sa kalangitan.

Mga TagaFilipos 2:15b

Bago si Rey sa kanyang trabaho sa isang malaking semi-government agency sa Makati. Dahil maaga siyang pumapasok sa opisina, doon niya ginagawa ang kanyang Quiet Time. Makikita mo siya sa kanyang desk na tahimik na nagbabasa ng Biblia, nagsusulat ng mga natututunan niya sa kanyang Quiet Time notebook, at nanalangin. Pagdating ng 8:00 am, doon siya nagsisimula sa kanyang pagtatrabaho.

Di naglaon ay nakilala si Rey na magaling at masipag. Palagi niyang nami-meet ang kanyang deadlines. Napansin din ng officemates niya ang kanyang kabaitan at pagiging magalang. At ginagawa niya ito hindi lamang sa mga nakakataas sa kanya kundi pati na rin sa messengers, security guards, at janitors.

Minsan ay may nagbirong tumawag sa kanyang “Father Rey.” Nagtawanan ang kanyang mga ka-opisina nang marinig ito. Ngumiti lamang siya at patuloy na nagtrabaho.

Sa isang lunch break, malakas ang tawanan ng mga ka-opisina niya sa office pantry. May nagkwekwento kasi ng green jokes. Pumasok si Rey upang kumuha ng tubig. Biglang may nagsabi ng, “Oops, nandiyan na si Father Rey. Huwag na kayong mag share ng green jokes.” At tumahimik silang lahat.

After six months ay natransfer si Rey sa ibang department na pinapangunahan ng isang dating pari. Di katagalan sabi ng boss niya sa kanya, “Hanga ako sa mga Cristianong katulad mo. Hindi na ninyo kailangang magsuot ng habito katulad ng mga pari para makilala kayo bilang isang religious person. Nakikita ang inyong pagka-Cristiano sa inyong magandang asal at malinis na pamumuhay.”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, tulungan po Ninyo ako na makita ang aking pagkaCristiano sa isip, salita at lalong-lalo na sa gawa. Sa pangalan ni Jesus, ito ang aking dalangin. Amen.

APPLICATION

Nakikita ba ng mga kasama mo ang iyong pagiging isang tunay na mananampalataya? Nakikita ba sa iyong pang-araw araw na pamumuhay ang pagiging asin at ilaw mo sa office at school? Gumawa ng mga paraan para maipakita ang liwanag mo sa paligid mo.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 10 =