21

MAY 2021

Nakinig at Nanampalataya

by | Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
Narrated & Written by Felichi Pangilinan-Buizon

Dahil sa pananampalataya sa Diyos, si Rahab, ang babaing may maruming pamumuhay, ay hindi napahamak na kasama ng mga ayaw pasakop sa Diyos, sapagkat malugod niyang pinatuloy ang mga espiyang Israelita.

Hebreo 11:31

Bakit mo kakampihan ang iyong kalaban? Bakit ilalagay mo sa alanganin ang iyong sarili at pamilya para sa mga bagong kakilala? Iyan ang ginawa ni Rahab, isang kalapating mababa ang lipad na taga-Jericho. Tinanggap niya sa kanyang tahanan ang dalawang espiya ng Israel na naniniktik sa Jericho. Nang natunugan ng authorities sa Jericho na nasa bahay ni Rahab ang mga espiyang Israelita, pinuntahan siya sa bahay para palabasin sila. Pero itinanggi ni Rahab na naroon sila. Ang totoo, itinago niya ang dalawa sa kanyang bubong.

Bakit nagawa ni Rahab na itago ang mga espiya at iligtas sila mula sa kanyang mga kababayan? Sa Josue 2:9-11, mababasa natin na ibinahagi ni Rahab sa mga espiya ang narinig niya tungkol sa Israel at sa kanilang Diyos. Na-amaze siya sa pagpapatuyo ng Diyos sa Red Sea at namangha sa paulit-ulit na tagumpay ng Israel army laban sa bawat bayang naka-enkwentro nila. Dahil sa kanyang mga narinig, naniwala si Rahab na ang Diyos ng Israel ang Diyos ng langit at ng lupa. Bilib na bilib siya sa Diyos ng Israel kaya pinili niyang ipagkatiwala ang future niya at ng kanyang pamilya sa Kanya. Ang mga balitang narinig ni Rahab ay nagbunga ng pananampalataya sa Diyos. At ito ang nagtulak sa kanya para tulungan ang dalawang Israelita. Si Rahab ay halimbawa ng nakasaad sa Roma 10:17: “Kaya’t ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig.”

Si Rahab at ang pamilya niya ang tanging nakaligtas nang bumagsak ang Jericho. Hindi lang iyon ang magandang nangyari sa kanya. Isa si Rahab sa dadalawang babaeng napasama sa Hall of Faith na forever nang naka-record sa Hebrews 11. Napangasawa din niya si Salmon from the tribe of Judah kaya napasama siya sa genealogy ni Jesus. Isipin mo, lola siya ni Jesus!

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord Jesus, ang panampalataya sa Inyo ay nakakapagligtas at nagbibigay sa amin ng magandang kinabukasan. I pray na manampalataya rin sa Inyo ang buo naming angkan. Amen.

APPLICATION

Strengthen your faith in God by hearing the Word of God on a daily basis. Have a Bible-reading program or listen to audio Bible and Christian podcasts. Mag-attend ng midweek or Sunday services kung saan itinuturo ang Salita ng Diyos at gumamit ng devotional gaya ng Tanglaw.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 1 =