16
SEPTEMBER 2022
Naku, Patay!
Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang nagbibigay-buhay at muling pagkabuhay. Ang sinumang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay.”
Juan 11:25
“Hala, parang obituary na ang Facebook notifications ko!” ang sabi ni Ivy. Every week, may nababalitaan siyang kaibigan, mga magulang o anak ng schoolmates, o churchmates na isa-isa nang pumapanaw.
Agad-agad ay ibinilin niya ang passwords ng bank accounts sa mga anak. Iniwan sa panganay ang susi ng safe kung nasaan nakatago ang mga life insurance at investment bonds. Nag-last will and testament na rin siya. Nagbilin: “Kay David ang mga libro ko, ang mga sapatos ko ay para kay Daniela dahil pareho kami ng shoe size. Si Gabriela will get my clothes, kasi pareho kami ng taste sa fashion.”
It’s good to have life insurance, mag-ipon, at mag-invest para sa susunod na henerasyon. Mainam ang pangalagaan ang kalusugan, magpabakuna to fight the virus, pero anuman ang gawin natin, papanaw rin tayo one day. Maaari tayong mauna o mahuli sa ating mga mahal sa buhay, malusog man ang ating pangangatawan o mahina.
So how do we prepare for death? Let’s turn to God‘s word:
Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang nagbibigay-buhay at muling pagkabuhay. Ang sinumang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay.” Juan 11:25
We will all die. But notice the key word here: Ako. Si Jesus ‘yun. He is the source of life and whoever believes in Him, kahit na mamatay, ay muling mabubuhay. Doesn‘t that give us a clear sense of hope? Death does not have a stronghold upon those who put their faith in Jesus.
Nasa susunod na verse ang susi.
“at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba sa sinabi ko?” Juan 11:26
Naniniwala ka ba sa sinabi ni Jesus? If your answer is yes, then He has already given you eternal life. The most important preparation that you can do here on earth is to accept Jesus as your Lord and Savior and to develop your relationship with Him. Kasi nga, hindi naman natin madadala sa langit ang ating material investments.
LET’S PRAY
Panginoong Jesus, salamat at ibinigay Mo ang buhay Mo so I can have eternal life. Bigyan Mo po ako ng mas malalim pang pag-unawa sa walang katumbas na handog na ito. Tinatanggap Kita nang buong-buo. By Your grace, cleanse me of all my sins, tulungan Mo akong magbago. At sa pagbabagong ito, sana ay maging testimony ang aking bagong buhay sa tao sa paligid ko nang makilala rin nila ang aking nagmamahal na Tagapagligtas.
APPLICATION
Call a friend. Read this to him or her, or listen to the app at the same time. Discuss and pray together.