13
FEBRUARY 2021
Naniniwala Ka ba sa Forever?
Share with family and friends
Si Jesu-Cristo ay hindi magbabago kailanman; siya ay kahapon, ngayon, at bukas.
Mga Hebreo 13:8
Kamakailan ay nauso sa social media at maging sa TV ang linya na “Walang Forever.” Sabi ng iba, mga sawi sa pag-ibig at bitter lang daw ang nagsasabi na walang forever—mga taong walang lovelife o kaya naman ay nasaktan dahil sa pag-ibig at natakot nang magmahal ulit.
Pero kung ikaw ang tatanungin, naniniwala ka ba na may forever? Sa dami ng mga taong nagbibigay ng iba’t-ibang meaning sa phrase na “walang forever,” maganda na balikan natin sa Bible kung ano ang totoo.
Nakasulat sa Mga Hebreo 13:8 that Jesus is the same, yesterday, today, and forever. So ibig sabihin, may forever! Si Jesus ang forever! Kahit kailan ay hindi Siya magbabago magpakailanman! Magbabago ang lahat dito sa mundong ito: mga tao, ang ating mga hitsura at katawan, sitwasyon, paligid, at ang ating mga pakiramdam. Pero tanging si Jesus lang ang nananatiling hindi nagbabago at hindi magbabago.
Anong ibig sabihin nito? Well, kung si Jesus ay forever at hindi magbabago, it means pati kung sino Siya, ang character Niya at puso Niya, ay hindi rin magbabago. Kasama diyan ang love, mercy, grace, goodness, kindness, and faithfulness ni Lord. Lahat ay forever din! At kapag inimagine natin na lahat iyon ay puwede nating maranasan nang walang katapusan, hindi pa ba sapat iyon para maniwala talaga tayo na may forever?
Higit sa lahat, totoong may forever dahil iyon mismo ang dahilan kung bakit dumating si Jesus sa mundong ito: so that all who believe in Him may have life with Him forever, enjoying eternal life in Heaven.
It’s time that we really appreciate the true meaning of the word “forever.”
Share this encouraging page to family and friends.
LET’S PRAY
Lord, salamat na hindi Kayo nagbabago at kahit kailan ay hindi Kayo magbabago. Salamat sa assurance na magbago man ang lahat, mananatili pa rin Kayong Diyos na tapat, mapagmahal, at mahabagin. In Jesus’ name, Amen.
APPLICATION
Kung may friend kang hindi naniniwala sa forever, i-share mo sa kanya ang totoong ibig sabihin ng forever at kung sino ang tunay na forever—si Jesus.