20
JANUARY 2025
Nasaan Ang Hustisya?
Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.”
Mga Taga-Roma 12:19
Maraming nababalita na mga kaso ng injustice sa mga social media networks, katulad ng mga naloko ng mga illegal recruiter, naisahan sa mga investment scams, o di kaya ay pinagtaksilan ng minamahal. Nakakagigil ang mga ganitong news. Paano kapag sa iyo ito nangyari? Sisigaw ka rin ba ng, “Nasaan ang hustisya?”
Wala na sigurong pinakamagandang istorya rito kundi ‘yung nangyari sa buhay ni Joseph sa Bible (Genesis 37–50). Trinaydor siya ng sariling mga kapatid at ibinenta bilang isang alipin, inakusahan ng rape ng asawa ng kanyang pinaglilingkuran, at nakalimutan ng taong nangako sa kanya habang nasa bilangguan na tutulungan siya. Ang sakit, di ba? Sa gitna nito, wala kang narinig na pangit na salita mula kay Joseph. Sa huli, na-vindicate siya ng Diyos at ginamit siya upang mailigtas ang lahi ng mga Israelita (Genesis 45:5–7).
Hindi ganito ang klase ng hustisya na ating ine-expect mula sa Diyos. Iba kasi si God. Mahal din kasi Niya ang mga taong nakakagawa ng hindi maganda sa atin. Kaya hindi natin dapat hinihingi sa Diyos na mapasama or masaktan sila. Gagamitin ng Diyos ang mga pangyayari sa buhay natin hindi lang para sa ating kabutihan kundi para rin sa mga nang-api sa atin.
Ang justice ng Diyos ay hindi katulad ng mga napapanood natin sa mga pelikula. God works in mysterious ways. God not only loves you and wants to heal your hurts, but he also wants to save the person who hurt you. Iba ang vengeance ni God; ang ginagawa Niya ay para sa ikabubuti nating lahat.
LET’S PRAY
Panginoong Jesus, please heal my heart. I pray for the person who hurt me. Mahal Mo rin sila. I pray that I may forgive them katulad ng pagpapatawad Mo sa akin. Sa pangalan Mo ito ang aking dalangin, Amen.
APPLICATION
Ilista mo sa isang notebook ang pangalan ng mga naka-offend o nakasakit sa iyo. Pray for those on your list. Ask God to give you the strength to forgive.
SHARE THIS QUOTE
