2

JUNE 2024

Nasaan ang Siyam?

by | 202406, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Deb Arquiza

Nang mapuna ng isa na siya’y magaling na, nagbalik siyang sumisigaw ng pagpupuri sa Diyos. Nagpatirapa siya sa paanan ni Jesus at nagpasalamat. Ang taong ito’y isang Samaritano.

Lucas 17:15–16

Sa Luke 17, mababasa natin ang kuwento ng sampung may ketong na lumapit kay Jesus para sila ay mapagaling. Noong araw, ang mga taong may ketong ay itinuturing na salot at marumi. Iniiwasan sila ng lahat ng tao dahil sa takot na mahawa sa kanila.

Pero iba si Jesus. Hindi Siya nandiri sa kanila. Sa halip, He had compassion on them at hindi Siya nagdalawang-isip na sila ay pagalingin. Miraculously, ang kanilang balat na puro sugat ay kuminis at gumaling! Iisipin natin na lahat sila ay nagpasalamat kay Jesus pagkatapos nilang matanggap ang healing na matagal na nilang inaasam. Sadly, out of the ten na gumaling, isa lang ang bumalik kay Jesus para magpasalamat. Nasabi tuloy nii Jesus,Hindi ba’t sampu ang aking pinagaling at nilinis?” tanong ni Jesus. “Nasaan ang siyam? Wala bang nagbalik upang magpuri sa Diyos kundi ang dayuhang ito?” (Lucas 17:17–18)

Katulad ng siyam na hindi na bumalik, there may be times na nakakalimot din tayong magpasalamat kay Lord. May tendency kasi tayong ma-focus sa blessing sa halip na sa blesser. This story is meant to encourage us na gayahin iyong nag-iisang bumalik para magpuri at magpasalamat kay Jesus. Alam niya na kung wala si Lord, hindi siya gagaling sa ketong. He remembered the Healer, and not just healing.

Naaalala lang ba natin si Lord sa tuwing tayo ay may problema at nakakalimot na sa Kanya kapag OK na ang lahat? Ang pagiging mapagpasalamat ay nagsisimula sa maliliit na bagay. The more we practice gratitude, the more we become used to it, hanggang sa maging lifestyle na natin ito. Hindi naman kailangang maghintay ng malalaking milagro bago tayo magpasalamat kay Lord. Araw-araw, marami tayong puwedeng ipagpasalamat sa Panginoon. Kailangan lang natin tumingin sa ating paligid at bilangin ang blessings na natatanggap natin.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, patawarin po Ninyo ako kung may mga oras na ako ay nakakalimot magpasalamat. Today, I choose to count my blessings. Thank You for all that You’ve given to me. You are so good. I love You, Lord.

APPLICATION

Start a gratitude journal. Write down every blessing, miracle, and wonder na pinaparanas ni Jesus sa iyo at sa mga taong malapit sa iyo.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 4 =