23

MAY 2022

Nasaan ang Siyam?

by | 202205, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi P. Buizon & Written by Felichi P. Buizon

“Hindi ba’t sampu ang aking pinagaling at nilinis?” tanong ni Jesus. “Nasaan ang siyam?”

Lucas 17:17

Bakit minsan ang tagal-tagal nating pinagdarasal ang isang bagay at kapag nariyan na, nakakalimutan nating magpasalamat? Sadya ba tayong makakalimutin? Minsan sa sobrang tuwa natin sa blessing, nakakalimutan na natin ang Blesser. Katulad na lamang ito sa nangyari sa kwento ng sampung ketongin.

Dati-rati, nilalayuan ang mga ketongin dahil wala pang cure sa leprosy at ito ay nakakahawa. Halos patapon ng lipunan ang trato sa kanila. Outcasts, rejects. Kailangan silang i-quarantine sa labas ng siyudad. Hindi lang kagalingan ang nawala sa kanila, kundi pati kaibigan, kamag-anak, hanapbuhay, at dignidad. Tuwing sila ay dadaan ng isang kalsada, kailangan nilang mag-ingay bilang babala para makaiwas ang iba. Sumisigaw sila, “Marumi! Marumi!”

Isang araw ay may nakasalubong ang sampung ketongin na hindi umiwas sa kanila, at ‘yan ay si Jesus. Maaring nabalitaan nila ang miracles ni Jesus kung kaya’t sabay-sabay nilang hiningi ang kanilang kagalingan. Inutusan sila ni Jesus na magpatingin sa pari dahil ito ang protocol dati. Ang pari lamang ang makakapagpatunay na ang ketongin ay magaling na. Habang naglalakad sila papunta sa pari, pinagaling at nilinis na silang lahat ng Diyos! Sabi sa Lucas 17:15-16, “Nang mapuna ng isa na siya’y magaling na, nagbalik siyang sumisigaw ng pagpupuri sa Diyos. Nagpatirapa siya sa paanan ni Jesus at nagpasalamat. Ang taong ito’y isang Samaritano.”

Isa lamang ang bumalik at dayuhan pa ito. Hindi lang dayuhan, Samaritano — kilalang kaaway ng mga Judio. Ang balikan ka ng iyong kaaway para magpasalamat, this reveals humility of heart. Alam niya na ang kanyang kagalingan ay galing sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus. Alam niya na kinailangan niya ang habag at tulong ng Panginoon para gumaling. Alam niya na hindi lamang kagalingan ng katawan ang kanyang natanggap. Ang kanyang pagbabalik at taos-pusong pasasalamat ay pinahalagahan ni Jesus! He praised the Lord! At ang paghanap ni Jesus sa iba ay nagpapahiwatig na sila naman ay nakalimot. Isa ba tayo sa hinahanap ni Lord?

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat at hindi Ka umiiwas sa aming mga problema, kahit gaano kalaki pa ito. Salamat at may nakalaan Kang himala para sa amin. Patawarin Mo po ako dahil minsan ay nakakalimutan kong magpasalamat. Forgive me, Lord, when I take the glory away from You. Ikaw ang may gawa ng lahat at pinagmulan ng lahat ng aking answered prayers. Give me a thankful heart.

APPLICATION

 Basahin ang kuwento sa Luke 17:11-19. Reflect on the past weeks. Ilista mo ang mga blessings na iyong natanggap. Thank the Lord for them, one by one.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 15 =