24
MAY 2022
Hangin ng Pagpapatawad
Huwag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama. Huwag ninyong sumpain ang sumusumpa sa inyo. Sa halip, pagpalain ninyo sila dahil pinili kayo upang tumanggap ng pagpapala ng Diyos.
1 Pedro 3:9
Isang teacher ang nagpakita ng isang malinis at puting papel na may maliit na tuldok sa gitna nito. She asked them, ”Ano ang napapansin ninyo sa hawak kong papel?” Ang sagot ng kanyang students, “May tuldok po sa gitna ng papel.” Mas kapansin-pansin nga ang maliit na tuldok sa gitna ng puting papel. Sa ating buhay, ang karaniwang napapansin ay ang isang tuldok ng pagkakamali ngunit ang mabubuting nagawa ay kinalilimutan na lang natin.
May mag-asawa na twenty years nang kasal ngunit naghiwalay din dahil hindi natutunan ng babae na patawarin ang asawa. Mas binigyang-pansin niya ang isang pagkakamali ng mister niya. Nagpadala ng sulat sa kanya ang lalaki, ”Kung nakasakit ako ng iyong damdamin, dapat isinulat mo na lamang ito sa buhangin upang mabura ng hangin ng pagpapatawad. Sana man lang sa lahat ng naipakita kong kabutihan, naiukit mo ito sa bato na walang anumang hangin, gaano man kalakas, na maaring magbura nito sa ating alaala at pagmamahalan.”
Malinaw naman na sinabi sa Bible mula sa Mga Taga-Efeso 4:32, “Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa’t isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.” Kung babasahin mo ang buong aklat ng Genesis ito ay may tema ng deception, favoritism, mistrust, resentments, slave driving, at disagreements. Ang buhay ni Cain at Abel ay nauwi sa paghihiganti na nagdulot ng kapahamakan sa magkapatid. Kabaligtaran naman ito sa nangyari sa pamilya nina Abraham, Sarah, Isaac, Esau, Jacob, mga asawa nito (Rachel at Leah) at tiyuhin na si Laban. Ang pandaraya ni Jacob sa pagkuha ng birthright sa ama niyang si Isaac ay hindi sinuklian ni Esau ng kasamaan bagkus ito ay kanyang pinatawad. Nagkapatawaran din sina Jacob ang kanyang tiyuhin na si Laban noong siya’y dinaya nito sa kanyang napiling asawa (Rachel) pero si Leah ang nauna niyang napangasawa at dinaya rin siya nito sa hatian ng kita. Ang mga impluwensiya ng lahi ni Abraham sa kanyang pamilya ay nagdulot ng kahalagahan at halimbawa ng pagpapatawad sa bawat isa.
May mahal ka ba sa buhay na hirap kang patawarin? Baka kailangan nang umihip ang hangin ng pagpapatawad sa buhay mo ngayon.
LET’S PRAY
Thank You, Lord, dahil una Kang nagpatawad sa aming mga kasalanan. Ikaw ang pinakamagandang halimbawa ng tunay na kahulugan ng pagpapatawad because You died for us and cleansed us from all our unrighteousness. Teach us to have a forgiving heart and an attitude like Yours.
APPLICATION
Isipin ang mga taong nakasamaan mo ng loob o gumawa sa iyo ng kasamaan. Kumuha ng lapis at papel at isulat ang kanilang mga pangalan. Ipagpray sila and release blessings sa buhay nila. After praying, gumamit ng eraser para burahin ang mga names nila kasabay ng iyong pagpapatawad.