8
JANUARY 2024
Nature Lovers
Pagkatapos, sinabi ng Diyos: “Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit.”
Genesis 1:26
May nararamdaman ba tayong kakaibang saya kapag nasa beach tayo? O di kaya’y kapag nasa tuktok ng isang bundok at nakikita natin ang iba’t ibang klase ng mga puno at halaman? May ganito rin bang saya kapag minamasdan natin ang mga hayop sa bukid, mga ibon na dumadapo sa bubong, o ang mga isdang nakikita natin sa ilalim ng dagat? Bakit kaya parang may kakaibang connection ang mga tao sa nature?
Hindi man natin maipaliwanag nang buo ang ganyang masasayang karanasan, pero malinaw naman sa Bible ang relationship ng tao at ng kalikasan. Mababasa natin sa Genesis that God created us in His image — ayon sa Kanyang wangis. At isa sa mga bagay na ipinagkatiwala Niya sa tao ay kapareho sa Kanyang gawain bilang Maylikha — ang maging tagapangalaga at tagapamahala ng kalikasan. What a privilege!
Ang mga tao pala ay meron talagang likas na connection sa kalikasan, at ito ay nagsimula noong paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay. Ang mga hayop na lumilipad, gumagapang, lumalangoy, o tumatalon; ang mga puno at halaman na namumunga, namumulaklak, at nagbibigay ng lilim; ang mga tubig sa ilog, sa dagat, o sa mga balon; maging ang hangin na nakapa-importante sa ating buhay — lahat ito ay ipinagkatiwala sa atin. Kaya kapag meron tayong kakaibang saya kapag kasama ang nature, magandang reminder ito sa pagmamahal at pag-aalaga na dapat nating ibigay sa kanila.
LET’S PRAY
Lord, salamat at nilikha Ninyo ang kalikasan na nagbibigay ng buhay at saya sa aming lahat. Thank You rin po sa reminder na ipinagkatiwala Ninyo ito sa amin. Give us wisdom and strength para sa pamamahala at pangangalaga nito. Amen.
APPLICATION
Let us love and care for what God has created and entrusted to us. Unahin natin ang nasa ating paligid. Iwasang makadagdag sa polusyon na nakakadumi ng hangin at tubig. Makibahagi sa mga clean-up drive sa ating mga komunidad. Let us be nature lovers!