7

JANUARY 2024

Share with family and friends
Narrated by Erick Totanes & Written by Honeylet Adajar-Velves

“Anim na araw kayong magtatrabaho, ngunit sa ikapitong araw kayoy magpapahinga maging ito may panahon ng pagbubungkal ng lupa o ng pag-aani.

Exodo 34:21

Kahit saan tayo lumingon, makakakita tayo ng taong gumagamit ng cellphone. We use it for calling, texting, gaming, panonood ng videos at siyempre pagbabasa gaya ng ginagawa natin sa devotional na ito. If we are doing all these activities with our phone, siguradong kailangan nating mag-charge ng mobile phone at the end of the day. Kapag hindi natin tinigilan ang paggamit nito, para itong nabu-burn out. Sometimes umiinit, nagha-hang hanggang sa ma-dead batt ito kapag tuloy-tuloy ang paggamit natin ng  apps nang sabay-sabay.

Gaya ng cellphones, kadalasan ay jam-packed din ang gawain natin sa araw-araw at nabu-burn out din tayo. Mapa-trabaho, pag-aaral, o pag-aasikaso ng mga gawaing bahay, they all consume our energy. At minsan, sa sobrang sanay tayo maging busy, feeling natin nagkakasala tayo kapag nagpapahinga. Pero hindi ito totoo! In fact, God has mandated us to rest (Exodo 34:21). He even set an example Himself. Kahit na Diyos Siya at hindi kailangan ng pahinga, on the seventh day after creating everything, He rested (Genesis 2:2).

Sobrang fascinating din kung paanong iyong sakit ng likod or ulo natin, biglang nawawala after taking rest. Ang galing ng design sa atin ni God, no? Kung paanong nagiging full battery muli ang cellphones natin after being charged, ganoon din naman tayo, nagiging fully energized after taking time to rest.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, salamat po sa reminder that in the midst of these busy times, it is okay to rest. Give me the grace not to abuse my body and help me find time to take rest every day. Amen.

APPLICATION

I-check mo ang tasks for the week and try to set a time kung hanggang anong oras mo lang tatapusin ang mga ito. Ilaban ang time to rest and be amazed at how energized you’ll be para tapusin ang tasks for the following day. You can also click the share button para ibahagi ang good news na ito sa friends mo sa social media.

 

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 9 =