6

JANUARY, 2021

Natutuwa sa Iyo si Lord

by | 202101, Devotionals, You

Share with family and friends

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes
Hindi ka na tatawaging ‘Pinabayaan,’ at ang lupain mo’y hindi na rin tatawaging ‘Asawang Iniwanan.’ Ang itatawag na sa iyo’y ‘Kinalulugdan ng Diyos,’ at ang lupain mo’y tatawaging ‘Maligayang Asawa,’ sapagkat si Yahweh ay nalulugod sa iyo, at ikaw ay magiging parang asawa sa iyong lupain. Tulad ng isang binatang ikinakasal sa isang birhen, ikaw ay pakakasalan ng sa iyo ay lumikha, kung paanong nagagalak ang binata sa kanyang kasintahan, ganoon din ang kagalakan ng Diyos sa iyo.

Isaias 62:4-5

Narinig mo na siguro kung gaano ka kamahal ni Lord. Sa sobrang pagmamahal Niya sa iyo ay isinugo Niya ang Kanyang kaisa-isang Anak na Siyang nag-alay ng Kanyang buhay para pagbayaran ang iyong mga kasalanan at iligtas ka mula sa walang hanggang kamatayan (Juan 3:16). Grabe, ‘no? Ang mas matindi pa roon ay ginawa Niya ‘yun nung magkaaway pa kayo (Mga Taga-Roma 5:10). Sino pa ang ibang magbibigay sa iyo ng ganoong pagmamahal? Nakakatuwang nakakaiyak isipin na may nagmamahal sa iyo nang ganito. Nakakatakot din. Bakit? Dahil wala tayong katangian o ginawa para mahalin tayo ng Diyos, hindi mapipigilang sumagi sa isip natin na kahit anong oras ay puwede Niyang bawiin ang pagmamahal na ito at wala tayong magagawa upang maibalik ito. Pero buti na lang, sinabi sa Bible na hindi mangyayari ito (Mga Taga-Roma 8:35-39).

Kapatid, hindi mo kailangang mag-alala dahil hindi magbabago ang pag-ibig ng Diyos (Mga Awit 136). At hindi ka lang Niya minamahal, natutuwa pa Siya sa iyo! Ang Kanyang pagmamahal ay hindi lang ‘yung hindi ka Niya pababayaan, ito rin yung naiiyak Siya sa tuwa tuwing nakikita ka Niya—parang isang binata tuwing nakikita niya ang kanyang kasintahan, lalo na sa araw ng kanilang kasal (Isaias 62:4-5).

Sobra ba? Exagge ba? Mahirap man ma-imagine o tanggapin na natutuwa ang Diyos tuwing nakikita Niya tayo, ito ang Kanyang sinabi sa mga Judio na binihag dahil sa kanilang kasamaan at unfaithfulness sa Diyos. Gagawin Niya ang lahat para malinis at maituwid ang Kanyang naliligaw na bayan (Isaias 62:1-3). ’Yun din ang gagawin Niya para sa iyo: Itutuwid ka, lilinisin ka, at babaguhin ka hanggang maipagmamalaki ka Niya dahil sa iyong ganda at ningning. Ang gagawin mo lang ay buong puso mong tanggapin ang Kanyang pag-ibig at hayaan mo ang sarili mong i-experience ang sarap at kaluwalhatian ng pagmamahal na ito.

Share this encouraging page to family and friends.

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, iparamdam Ninyo sa akin ang Inyong pagmamahal. Ayaw kong maging head knowledge lang ito. Gusto kong maging totoong-totoo ito sa akin. At nawa ay mag-overflow ang love na ito sa lahat ng taong nasa paligid ko at sila rin ay lumapit sa Inyo at maramdaman din ang pagmamahal Ninyo. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Basahin nang dahan-dahan ang Isaias 62:1-5. Namnamin ang bawat salita, na tila sinasabi ng Diyos ito sa iyo. I-feel mo ang bawat salita, lalo na ang mga salitang nagde-describe kung ano ang nakikita Niya sa iyo. Markahan ang bawat salitang naka-touch sa iyo habang nagbabasa ka. Maging bukas sa personal na mensahe ng Diyos para sa iyo.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 2 =