17

OCTOBER 2022

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Prexy Calvario

Dahil itong buhay nami’y maikli lang na panahon, itanim sa isip namin upang kami ay dumunong.

Awit 90:12

Pumasok ang 3-point shot ng kalaban, lumamang sila ng isang puntos at iniwan ang game clock sa 3.8 seconds. Basketball possession is on his team pero sa back court manggagaling ang bola. Pagkatanggap ni Bal David ng bola ay mabilis siyang nag-dribble papuntang half court at ibinato ang bola papunta sa ring. One second left. Pagbitaw ng bola sa ere ay parang naka-slowmo itong lumanding sa ring. Naghiyawan ang lahat nang na-shoot ang bola at pasok sa oras! A 3-point shot was made within 3.8 seconds!

Pero paano kung hindi aware ang point guard sa natitirang oras? How would this game have turned out?

Segundo man o dekada, kapag lumipas na, ay hindi na natin ito maibabalik. Alam ito ni Moses. Forty years siyang nabuhay as a prince in Egypt (Exodus 2:10–15; Acts 7:22–25); forty years sa wilderness sa pagpapastol (Acts 7:30); at another forty years papuntang Canaan (Acts 7:36). Iba’t ibang season, iba’ ibang karanasan ang humubog sa kanyang character (Exodus 33:11). Moses, at 120 years old, died and saw the Promised Land from afar (Deuteronomy 34:7–8). Hindi man siya kasama sa pagpasok doon, nakarating naman siya sa promised land during Jesus’ transfiguration (Matthew 17:2–5).

You may be thinking, “I’m still young, I can do whatever I want.” Maaring bata ka pa pero hindi ibig sabihin nito na marami ka pang oras. Or baka sabihin mong, “Naku, matanda na ako. Hintayin ko na lang ang pagdating ni Lord, wala na akong magagawa for Him.” You may not be getting any younger but that doesn’t mean you have less time left. Si God lang ang may alam ng hangganan ng buhay natin (Job 14:5) and tomorrow is never promised (James 4:14). Mukhang mahaba man ang oras mo or 3.8 seconds na lang, make your 3-point shot count. We “Never Say Die” to God’s purpose in our life.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, thank You that I am alive today. Give me wisdom on how to make this day count for Your glory. Remind me to number my days and seek You for wisdom. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Evaluate your schedule. Kasama ba sa things to do mo ang pagbabasa ng Bible at quiet time with the Lord? Ask the Lord to give you wisdom on how to make time and set an appointment to meet Him every day.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 9 =