25
JUNE 2021
“Never Say Die” Attitude
Kung ganoon, Panginoon, nasaan ba ang pag-asa? Pag-asa ko’y nasa iyo, sa iyo ko nakikita.
Mga Awit 39:7
Naramdaman mo na bang mawalan ng pag-asa? May kailangan kang bayarang malaking tuition ng iyong mga anak pero biglang sabay-sabay na nagkasakit ang mga mahal mo sa buhay. Kailangan munang itawid ang pampagamot nila kaya wala ka tuloy maipambayad sa school. Ang masakit nito, kailangan mong pahintuin sa pag-aaral ang iyong mga anak.
Wala mang may sakit sa inyo, pero baka bigla namang nawalan ng trabaho ang asawa mong OFW. O di kaya ay pinadalhan ka ng sulat ng bangko na iyong pinagkakautangan at malapit ng mailit ang inyong bahay. Pati ang negosyo mong pinakaingat-ingatan ay malapit na ring magsara dala ng hindi maayos na pamamalakad.
O di kaya ay baka na-scam ka ng matalik mong kaibigan kaya di mo siya mapatawad, at nagtatanong ka, “Meron pa bang totoong tao ngayon?”
Maaaring may plano ka at mga pangarap na gustong maabot sa buhay, pero paano kung tila hindi ito ang gusto at plano ng Diyos para sa iyo? Mawawalan ka ba ng pag-asa?
Kapag natatakot na tayo, desperado, at wala nang pag-asa, madalas sa tao tayo tumatakbo. Pero bakit hindi tayo tumakbo sa Diyos at sa Kanya magtiwala? Napakaraming pangako ng Diyos na nasusulat sa Biblia. Willing Siya na tumulong sa atin lalong-lalo na kung tayo ay nawawalan na ng pag-asa.
Ang pangyayari sa buhay ni Job sa Biblia ay isang halimbawa ng patong-patong na problema sa buhay. Parang wala ng pag-asa na masolusyunan ang mga problema ni Job. Pero si Job ay may pambihirang “never say die” attitude sa buhay. Nawalan siya ng mga alagang hayop, naubusan ng ari-arian, at namatayan ng mga anak pero hindi siya nawalan ng pag-asa sa Diyos (Job 1). Job is an outstanding example of steadfast faith in the way he handled severe trials. In the end, ibinalik ng Diyos ang mga nawala sa kanya.
Huwag kang mawalan ng pag-asa. Never say die. Alam ni Jesus ang pinagdadaanan mo at kaya Niyang ibigay ang tulong na kailangan mo (Hebreo 4:15-16).
LET’S PRAY
Thank You, Lord, na sa gitna ng problems, we can put our hope in You. Help us to live with joy and hope during tough times. Thank You for Your presence and comfort. In the mighty name of Jesus, Amen.
APPLICATION
Are you feeling hopeless? Ask the Lord for insight at hilingin mong alisin Niya sa iyo ang hopelessness. Fix your eyes on Jesus, the author and perfecter of our faith.