13

MARCH 2025

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Felichi Pangilinan-Buizon

Ngunit kahit isa ni isang mabuti ay walang nakita, lahat ay lumayo at naging masama, lahat sa kanila.

Awit 53:3

Tinagurian siyang “santa” ng kanyang mga kabarkada sa high school dahil hindi siya ‘yung type na mabilis magalit o makipag-away. Hindi mo siya mapapa-cut ng class; bukod sa honor student, excellent ang conduct at magalang sa mga teacher at magulang. Dahil dito napaniwala ni Rona ang kanyang sarili na siya ay mabait, walang problema, at bati sila ni Lord.

Pero isang araw, sa isang Bible study, may nagpaalala sa kanya na, tulad ng iba, siya ay makasalanan at hiwalay sa Diyos. Hindi siya makapaniwala sa simula, hanggang na-realize niya na iba pala ang panukat ni Lord. Ang Diyos ay banal kaya ang kasalanan, maliit man o malaki, ay di katanggap-tanggap sa Kanya. Tanong ng Bible teacher, “Ilang kasalanan ang kinailangan para mawalay si Adan at Eba sa Diyos?”  Iisa lamang — ang pagsuway sa kautusan. Di nga sila nagbugbugan sa Eden. Di lang sila sumunod. Kung pinaalis ni Lord si Adan at Eba sa Eden, napaisip si Rona, ano kaya ang gagawin ni Lord sa kanya?

Romans 6:23 (NIV) says, “The wages of sin is death.” Hindi physical death ang tinutukoy dito kundi spiritual — which means separation from God. Akala ni Rona lusot na siya pero sabi sa Romans 3:23 (NIV), “All have sinned and fall short of the glory of God.” All. Walang exempted. Doon napagtanto ni Rona na di pala sila okay ni God. May utang siya kay Lord na di pala mababayaran ng kanyang mga gawa. Sin is a spiritual problem that requires a God-solution.

Kailangan ni Rona ng Tagapagligtas. Laking tuwa niya sa part two ng Romans 6:23, “but the free gift of God is eternal life in Christ Jesus, our Lord.”  Ang kamatayan ng Kanyang anak na si Jesus ang naging kabayaran ng kasalanan ng sanlibutan. Sinumang manalig kay Jesus ay mapapatawad, maliligtas, at di mawawalay sa Diyos kailanman. Ito ang naging prayer ni Rona.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, Kayo ay di lang mapagmahal, banal din. Ayaw ko pong mawalay sa Inyo. Forgive me, for I have sinned. Kailangan ko po ng Tagapagligtas. Save me, Jesus. Itama Ninyo ang aking mga maling akala. Turuan Ninyo akong mamuhay ayon sa kalooban Ninyo. Amen.

APPLICATION

Sumabay ka ba sa panalangin? Look up Ephesians 2:8–9 and Titus 3:5 and write it down in your own words.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 6 =