12
MARCH 2025
Ang Init!

Ang mainit na ulo ay humahantong sa alitan.
Mga Kawikaan 15:18a
Isang araw during the hottest week of summer, nag-decide magkita-kita for coffee ang magkakaibigang Melodie, Francis, Beth, at Dennis. Kaso imbes na iced coffee, hot coffee ang na-order ni Francis para sa lahat. Siguro dahil mainit ang panahon, uminit din ang ulo ni Melodie. Sinuportahan siya ni Dennis, habang si Beth naman, sinubukang patahimikin ang mga nag-aaway na kasama. Ang ending? Umuwi silang lahat na mainit ang ulo at galit sa isa’t isa.
Malinaw ang warning sa unang bahagi ng Proverbs 15:18. Kapag mainitin ang ulo natin, magdudulot ito ng alitan. Puwedeng tayo mismo ang may makaaway, o tayo ang magiging dahilan ng pag-aaway ng iba. Either way, walang mabuting kahihinatnan ang pagiging magagalitin natin.
Mas mabigat ang warning ni Jesus sa Mateo 5:22 tungkol sa pagkagalit. Depende sa level nito, puwede tayong managot sa hukuman, o di kaya’y parusahan sa apoy ng impiyerno. Kapag kasi nagalit tayo, puwede nating pag-isipan o gawan ng masama ang kapwa natin, o kaya nama’y siraan ang kanilang karakter. Hindi lang sa human court puwedeng mauwi ang sitwasyong ganito kundi pati sa korte ng Diyos.
Madali ka bang magalit? Kasing-init ba ng summer ang ulo mo? Bago mauwi sa alitan, take a step back from the thing or situation na nagpapainit ng ulo mo. Remind yourself of the consequences of mishandled anger, and ask Jesus to help you na mawala ang init ng iyong ulo.
Kaya friends, chill lang tayo. Patuloy tayong makinig sa Salita ng Diyos at nang lumago tayo. See you tomorrow!
LET’S PRAY
Panginoon, tulungan po Ninyo akong huwag maging mainitin ang ulo. Imbes na magalit, please help me na mahalin at magpasensya sa aking kapwa, tulad ng pagmamahal at pagpapasensya Ninyo sa akin. In Jesus’ name, Amen.
APPLICATION
Nakakaramdam ka ba ng galit? Pumikit, huminga nang malalim, at bumulong ng maikling panalangin para kumalma ang kalooban. Puwede ka ring uminom ng malamig na tubig para lumamig ang iyong ulo.
SHARE THIS QUOTE
