5

APRIL 2021

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated & Written by Honeylet Venisse A. Velves

Bahagya lamang ang nalalaman ko ngayon, ngunit darating ang araw na malulubos ang kaalamang ito, tulad ng lubos na pagkakilala niya sa akin.

1 Mga Taga-Corinto 13:12b

May kuwento ng isang lalaking papunta sa ibang bansa para sa isang business trip. Sa araw ng kanyang flight, naipit siya sa matinding trapik papunta sa airport. He was late kaya hindi siya nakasakay ng eroplano. Galit na galit siya sa nangyaring delay at kinailangan niyang kumuha ng bagong ticket para makaalis. Pagkaraan ng ilang oras, isang balita ang napanood niya sa T.V. Nag-crash ang eroplanong dapat sasakyan niya. Noon din, naglaho ang lahat ng frustrations niya at napalitan ng pasasalamat para sa kanyang kaligtasan.

Sometimes, a delay is God’s way of protecting us. Gaya ng kuwento, maaaring ilang beses ka na ring naka-experience ng matinding disappointments dahil sa delay. O di kaya, akala mo ay siya na ang mapapangasawa mo, pero hindi pala kayo nagkatuluyan. But after the heartbreak, may dumating na taong tunay na nagmahal sa iyo at siyang naging partner in life mo. O kaya naman, hindi ka nagtapos ng kursong gusto mo noong college. Pero sa kabila noon, naging successful ka sa career mo ngayon. Pagkatapos mong makita ang mas magandang pangyayari o bunga, saka mo nasasabing, “Oh, kaya pala!”

Sa mga panahong feeling mo end of the road na, always remember that God has already set the best plans for you. Hindi mo alam ang lahat ng plano ng Diyos, bahagya lang ang alam mo sa ngayon. Pero ang sigurado, anuman ang sitwasyon, gumagawa ang Diyos para sa ikakabuti mo (Mga Taga-Roma 8:28) at darating ang araw na magiging maliwanag din ang lahat. Kaya masasabi mo na naman, “Oh, kaya pala!”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, maraming salamat sa mga panahong prinotektahan Ninyo ako. Please give me the heart to go on despite the disappointments and frustrations along the way. I know that You only want what’s best for me kaya patuloy po akong magtitiwala sa Inyo. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Humarap sa salamin at ipaalala sa sarili na hindi mo man alam ang lahat ng bagay sa ngayon, sapat na ang magtiwala sa Panginoon. At kung dumating ang panahon na maunawaan mo ang lahat, huwag kalimutang magpasalamat.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 10 =