21
JULY 2022
On Faith and Faithfulness
Sapagkat namumuhay tayo batay sa pananampalataya sa Panginoon at hindi sa mga bagay na nakikita.
2 Mga Taga-Corinto 5:7
Kapag pinanood mo ang mga taong nafi-feature sa The 700 Club Asia, makikita mong faithful talaga si God na tumupad ng pangako, magpagaling ng may sakit, maghilom ng damdaming sugatan, mag-ayos ng pamilyang ilang dekada nang sira, makapagpabago ng isang kriminal, magpatino ng isang naglokong asawa o anak, at marami pang iba. Sa dami ng iba’t ibang patotoong ito, hindi mo pwedeng itanggi ang katapatan ng Panginoon sa buhay ng mga tao ito.
Dahil sa katapatan ng Diyos na nararanasan nila, they, in turn, try to be faithful and loyal to the Lord, too. Pero syempre hindi rin biro ang manindigan sa pananampalataya. Tulad nila, may mga pagkakataong susubukin ang ating katapatan. Makararanas tayo ng mga bagyo ng buhay na magpapahina ng ating loob at maglalagay ng pagdududa sa ating puso. We might even ask, Mahal pa ba ako ng Diyos? Nadidinig pa ba Niya ang panalangin ko? Bakit Niya hinayaang mangyari ang trahedyang ito?
Based sa kwento ni Job sa Bible, we read na naranasan niya ang mga problemang sumubok sa pananampalataya niya sa Diyos. He lost everything — his children, his livestock, and even his own health. Pero ang pagsubok na iyon ang naging daan upang mapatunayan ng Diyos na hawak Niya ang buong mundo at ang kalawakan, at Siya’y Diyos na mapagkakatiwalaan.
Hindi man natin nakikita ang lahat ng ginagawa ng Diyos, we should live our lives nang may katapatan sa Kanya. Sa mga oras ng pagsubok, bigyan natin ng puwang na mapalago at mapagtibay ang ating katapatan sa Panginoon.
Nariyan ang Holy Spirit para maging gabay sa ating pananampalataya. Sabi nga sa Galatians 5:22, “Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan.”
Our God is faithful. As a response, let us then live a life of faithfulness.
LET’S PRAY
Panginoon, maraming salamat sa Inyong katapatan. Sa mga oras na nasusubok ang aking pananampalataya, gabayan mo ako sa panindigan na Kayo, ang aking Diyos, ay matapat at hindi kailanman ako pababayaan. In Jesus’ name, Amen.
APPLICATION
ake time to remind yourself about God’s faithfulness. Browse through some photos that tell the story of how He helped you in the past. Share them with someone dear to you, then pray a thanksgiving prayer.