20

JULY 2022

Peace in the Middle of a Pandemic

by | 202207, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Honeylet Adajar-Velves

At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Mga Taga-Filipos 4:7

Nang tamaan tayo ng pandemic, hindi lang tayo natakot sa makamandag at nakakahawang sakit na bumalot sa buong mundo. Patongpatong na problema ang kinaharap natin. Nagpanic buying ang mga tao sa ilang buwang lockdown. May mga nabawasan ang sweldo dahil nagbawas din ng araw ng trabaho, or worse, na-lay-off pa. Meron ding mga na-stuck sa iba’t ibang lugar at hindi makauwi sa sari-sariling pamilya habang mag-isa silang nakakulong sa mga pansamantalang tinutuluyan. Kaya bukod sa pandemic, tinamaan din tayo ng napakatinding anxiety at depression. Ang mga experiences na ito, walang piniling estado ng buhay, lahat na-qualify. Hindi man tayo lahat mga beauty queens, lahat yata napadasal ng “world peace.”

Magkaroon kaya tayo ng kapayapaan kung matitigil lahat ng gulo? Siguro. But true peace is being calm in the midst of chaos. Ito ang kapayapaang hindi kayang maunawaan ng tao, ang kapayapaang nagmula sa Diyos. Dahil anumang pinagdaraanan natin, Siya ang nag-iingat sa atin.

True peace is knowing that God is with you every step of the way, and living like you believe it. Hindi ba‘t nakakapagtaka na may mga taong nagagawang maging masaya sa gitna ng pandemya? O kaya may mga encouraging posts kang nakikita despite the depressing situation that the world is facing. Ang lahat ng ito ay possible dahil nagtitiwala sila sa Prince of Peace si Jesus. At ang kapayapaaang ito ay available rin para sa iyo.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat sa pagre-remind na kasama Kita at sa Iyo meron akong kapayapaan. Give me the grace to trust in You fully so I can live in peace. I surrender all my worries, all my anxieties to You, knowing fully that You’re in control. In Jesus’’ name, Amen.

APPLICATION

Marami ka bang concerns today? Lay it all down to God and ask Him for peace as you go through it. Mapapansin mong mas darami ang checks sa prayer list mo.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 5 =