25
MARCH 2023
Our Shepherd’s Care
Psalm 23 is one of the most loved Psalms. We begin today a five-day series called “The Lord is My Shepherd” para mahimay at manamnam natin ang kabutihan ng ating Dakilang Pastol.
Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang; pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan, at inaakay niya sa tahimik na batisan.
Awit 23: 1–2
Shepherds are interesting people. They know what the sheep needs and when they need it. Same goes for caregivers, guardians, and parents. Their sense of foresight is commendable. Hindi mo pa hinihingi, alam na nila.
Tama? Actually, not all the time.
Ilang beses na ba tayong nakakita ng sanggol na nagwawala sa mall dahil hindi malaman ng magulang niya kung ano ang gusto niya? Gutom ba? Inaantok? Basa na ang diaper? We can only imagine the frustration being felt by both the adult and the child.
Mabuti na lang, this is not the case with our Almighty Dad, si Lord. Siya ang magulang na wala ka pa ngang sinasabi, alam na Niya ang kailangan natin. And this is not only true with material things. Verse 2 of Psalm 23 says, “He makes me lie down in green pastures.” Green pastures may mean freshness, newness, a more comfortable living kung saan God provides us with fresh blessings every day. Kung saan not only our bodies, but even our souls are nourished. Sariwa, kaiga-igaya, maaliwalas!
Thinking about how our Father provides comfort and peace “beside still waters” (verse 2b), prosperity, protection, and guidance puts me in awe!
Let the truth of Psalm 23 about our Shepherd continue to strengthen you. Kaya bukas, kita-kits tayo uli!
LET’S PRAY
Panginoong aming Pastol, we are humbled by how great Your love is for us! Salamat dahil Kayo po ang aming pastol. Ang Inyong pag-aalaga at pagbabantay sa amin ay sapat na upang kami ay mamuhay nang may kapayapaan sa aming mga puso.
APPLICATION
Are you in want? Nangangailangan ka ba ng pag-aaruga? Do you feel like being tossed by unstill waters? Kailangan mo ba ng assurance that there is someone who cares? Buksan ang iyong Biblia. Basahin at pagnilay-nilayan ang Awit 23. Nawa’y magkaroon ka ng kapayapaan sa iyong puso as you ponder His Words.