22

JUNE 2022

Ampalaya Ka Ba?

by | 202206, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Deb Arquiza

Pag-ingatan ninyong huwag tumalikod ang sinuman sa inyo sa pag-ibig ng Diyos. Huwag kayong magtanim ng sama ng loob na dahil dito’y napapasamâ ang iba.

Mga Hebreo 12:15

Narinig mo na ba ang hugot line na “Ampalaya ka ba? Kasi ang ‘bitter’ mo eh.” Ginagawa na lang joke ng marami ang bitterness, pero in reality, maraming tao ang puno ng sama ng loob sa kanilang mga puso at lumalabas ito sa kanilang words and actions. Alam mo ba na sa Bible, there’s a warning against bitterness? Mababasa natin sa Hebrews 12 na ang bitterness, kapag itinatanim, ay nag-uugat. But sadly, hindi ito ugat na maganda ang nagiging bunga. Kaya sinabi na, huwag kayong magtanim ng sama ng loob na dahil dito’y napapasamâ ang iba.”

We tend to spread hate and bitterness sa ibang tao kapag tayo ay nagkukwento kung paano tayo sinaktan or ginawan ng mali with the intention of making the other person look bad. Kadalasan, sa kagustuhan nating makahanap ng kakampi or magko-comfort sa atin, hindi na tayo nagiging aware na nagkakalat na pala tayo ng bitterness. Sa sobrang sama ng loob natin, naipapasa na pala natin ito sa iba. We can influence other people with the words that we speak and with the stories that we tell. The next thing you know, galit na rin ang kaibigan mo sa taong kinuwento mo kahit na hindi naman siya ginawan ng masama nito or kahit na hindi naman niya ito kakilala.

Kung may kaaway tayo o nasaktan tayo ibang tao, mas mabuti na ‘wag na natin ito ikwento sa ibang tao na hindi naman involved sa issue. Hindi kalooban ni Lord na tayo ay naghahasik ng hate. We must always be careful kung kanino tayo maglalabas ng mga sama ng loob and choose the words that we speak. Habang maliit pa ang root ng bitterness, putulin na natin ito at huwag nang hayaang lumaki, magbunga, at makapang-damay ng iba.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, ayoko pong maging bitter at mag-spread ng bitterness sa iba. Tulungan po Ninyo akong magpatawad sa mga taong nakakasakit sa akin. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Find people who are mature enough to listen objectively and people who can give you sound advice tungkol sa pinagdadaanan mo. Iwasang magkalat ng mga tsismis at paninira sa taong nakasakit sa iyo.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 4 =