17
MAY 2024
Paano Ba Manalangin?
Welcome to our new series na pinamagatan nating “Tara, Pray Tayo!” Mahalaga ang pananalangin dahil ito ang paraan ng pakikipag-usap natin sa Diyos. Pero paano nga bang mag-pray? Alamin natin ngayon.
“Ganito kayo mananalangin, ‘Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang iyong pangalan.’”
Mateo 6:9
Isa sa mga pinakamahalagang itinuro ni Jesus sa Kanyang disciples ay ang kahalagahan ng prayer. Maraming tao ang nahihirapan mag-pray dahil hindi nila alam kung ano ang sasabihin, o kaya naman ay hindi nila alam paano magsisimula.
Praying simply means talking or communicating with God. Sa Mateo 6, nagbigay si Jesus ng example kung paano tayo dapat manalangin. Kilala natin ito bilang “The Lord’s Prayer.”
2 . Submission. “Nawa’y maghari ka sa amin. Sundin nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit” (Mateo 6:10). Pray for God’s will to be done in your life. This means you are surrendering yourself to God and you are submitting to His Lordship. “Lord, mangyari po ang kalooban mo sa aking buhay ngayong araw na ito.”
3. Supplication. “Bigyan Mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw” (Mateo 6:11). Ito ang part ng prayer natin kung saan humihingi na tayo kay Lord para sa ating mga pangangailangan. “Lord, pagalingin mo po ako sa sakit”; “Lord, kailangan ko po ng pambayad sa tuition”; “Lord, bigyan Mo po ako ng lakas.”
4. Confession. “At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin” (Mateo 6:12). Hindi lang sana puro paghingi ang maging laman ng ating prayer kay Lord. Mahalaga rin na aminin natin ang ating mga kasalanan at ipagpasalamat na tayo ay pinatawad at nilinis na dahil pinagbayaran na ito ni Jesus sa krus. “Lord, inaamin ko po na ako ay nakapagsalita ng hindi maganda. Salamat sa Inyong pagpapatawad at paglilinis.”
Gusto ni Lord na tayo ay nakikipag-usap sa Kanya. Ngayong araw na ito, lumapit ka kay Lord at sabihin mo ang nilalaman ng puso mo sa Kanya. Makikinig Siya.
Spending time with God through prayer is precious. Bukas alamin naman natin ang kakaibang blessing na nararanasan natin kapag nagpe-pray tayo para sa ibang tao. Abangan bukas!
LET’S PRAY
Dear Jesus, thank You that I can come to You anytime in prayer. Teach me to pray when I don’t know how and remind me to always find time to talk to You.
APPLICATION
Gumawa ng prayer list sa isang notebook. Ilista mo ang gusto mong sabihin kay Lord. Use Matthew 6:9–13 as a guide when you pray.