9
JUNE 2023
Pagbibigay-daan sa Iba
We begin today a series called “Going Beyond Yourself” to help us see how we can be more selfless, thoughtful, and considerate of others. So let’s begin.
“Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa paghahangad ninyong maging tanyag; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.”
Mga Taga-Filipos 2:3–4
Marami sa atin, instinct na ‘yung gustong maging bida, ‘yung mapunta sa spotlight. Maging number one, maging successful, sumikat, at makilala. Hinahangad natin ‘yung ma-affirm tayo sa achievements natin at marinig ang papuri ng mga taong ina-admire natin. Ngunit ano nga ba ang lugar ng ambisyon sa buhay ng isang believer? Hindi na ba maaaring mag-desire ng tagumpay o acknowledgment ang isang Cristiano?
Sa mundo, ina-admire ang kayamanan, kapangyarihan, at katanyagan, kaya ito ang ina-ambisyon ng mga tao. Pero ito ang invitation sa atin ni Jesus: “Learn from Me, for I am gentle and humble in heart” (Matthew 11:29 NASB). China-challenge Niya tayo to change our perspective pagdating sa ating desires, at kung paano ito nakakaapekto sa ating relationships sa ating kapwa. Hindi ito madali, kasi napaka-radical na concept nito kumpara sa standards ng success ng mundo. Ang mga disciple mismo, na kasama na ni Jesus, ay laging nagtatalo-talo kung sino sa kanila ang bida (Lucas 22:24). So talagang mahirap. Nonetheless, ito ang sinasabi sa atin ni Pablo — ituring nating higit ang iba kaysa ating mga sarili. Give way to others. Maging selfless, hindi selfish. ‘Yung mga ambition, tagumpay, at acknowledgement na gusto natin, ang magiging context niyan ay service to our neighbors (1 Peter 4:10). Important din to note na sinabi ni Pablo na pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba at hindi lamang ng inyong sarili. Hindi naman masama to look after ourselves, huwag lang tayo umabot sa self-centeredness.
Kapag nagkakaroon tayo ng doubts about giving way to others, alalahanin natin ang sacrifice ni Christ, na in spite of His divinity, nagawa Niyang pagsilbihan ang tao — isang Hari na naglingkod sa Kanyang mga subject (Marcos 10:45). Hindi ba tayo, bilang followers, ay dapat lang sumunod sa Kanyang example?
Abangan n’yo bukas ang continuation ng ating series na “Going Beyond Yourself.” And please, be kind enough to invite others to tune in tomorrow.
LET’S PRAY
Lord, inuuna ko ba masyado ang aking kapakanan, to the detriment of others? Ang hirap ng humility, Lord, pero turuan po Ninyo ako. Give me strength over my flesh, na laging gustong mauna.
APPLICATION
Mag-isip ng paraan kung paano ka magbibigay-daan sa iba in your workplace, school, or church. Paano mo isasantabi ang iyong sariling kapakanan at iba ang pauunahin?