8
JUNE 2023
Radikal na Pag-ibig
O baka naman gusto mo pang hamakin ang Diyos dahil siya’y napakabait, mapagpigil at mapagpaumanhin! Hindi mo ba alam na napakabuti ng Diyos kaya binibigyan ka niya ng pagkakataong magsisi at tumalikod sa kasalanan?
Mga Taga-Roma 2:4
Mala-Romeo-and-Juliet ba ang hanap mong love? ‘Yung hahamakin ang lahat masunod ka lamang. Siguro kung maghahanap tayo ng ganitong standard, malabo na. Isa pa, parang napaka-morbid naman ‘yung iinom ng lason at magpapakamatay ang nagmamahalan. Pero kidding aside, merong radikal na pag-ibig na kayang magsakripisyo ng sariling buhay para sa minamahal.
Alam na natin ito; actually, paulit-ulit na nating naririnig ang pagmamahal ng Panginoong Jesu-Cristo sa atin. Pero wait, there’s more to this love story. Itong pag-ibig na ito, na dugo at buhay ang naging kapalit para sa ating mga kasalanan, ay nakakapagpabago din ng ating pagkatao. Hindi ito one shot deal, hindi ito ‘yung love na i-accept mo, then that’s it, tapos ang kuwento. Instead, dahil mahal tayo ni Jesus, nais Niyang mapabuti tayo. This love changes our minds, hearts, and behavior. Kung dati mainitin ang ulo natin at magagalitin, pero dahil sa patience ni Jesus sa atin, unti-unti tayong nagiging patient na rin sa ibang tao. Kung dati sarili lang natin ang iniisip natin, ngayon nagiging mapagbigay na, kasi nga we see that Jesus provides for us. Dahil sa love ni Jesus sa atin, mas nakikita na natin ang mga pagkakamali natin, at nagagawa na nating tumalikod sa mga kasalanan na nagpapahirap sa atin.
This transformative love of Jesus is so radical we become better persons. Gusto mo ba ng ganitong pag-ibig? You can experience this love when you accept Jesus’ invitation to have a relationship with Him.
LET’S PRAY
Jesus, salamat sa pagmamahal Mo. Kay tagal ko nang hinahanap ang pag-big na ganito. Salamat dahil mula sa araw na ito, tapos na ang paghahanap ko ng maling pag-ibig. Tinatanggap Kita sa buhay ko. Baguhin Mo ako habang sinasaliksik ko ang mga aral na makakapagpabuti sa buhay ko.
APPLICATION
Tuwing may pangyayari na maaaring magbigay sa iyo ng dahilan para magalit at mainis, alalahanin mo ang pag-ibig ng Diyos at idalangin mo sa Kanya kung anong dapat mong gawin sa sitwasyong iyon.