25

FEBRUARY 2023

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Rebecca M. Cabral & Written by Rebecca M. Cabral

Welcome to our series “Jesus, the Great Healer”. Yes, Jesus heals us from our physical and emotional pains, but do you realize that He also sets us free? Iyan ang mensahe ng devo natin ngayon.

Ang Espiritu ng Panginoong Yahweh ay sumasaakin sapagkat ako’y kanyang hinirang; sinugo Niya ako upang dalhin ang Magandang Balita sa mga inaapi, upang pagalingin ang mga sugatang-puso, upang ipahayag sa mga bihag at sa mga bilanggo na sila’y lalaya. Sinugo Niya ako upang ipahayag na darating na ang panahon ng pagliligtas ni Yahweh; at ang paghihiganti ng Diyos laban sa Kanyang mga kaaway; sinugo Niya Ako upang aliwin ang mga nagluluksa.

Isaias 61:1–2

Matinding hirap ang idinulot ng COVID-19 pandemic sa buong sangkatauhan. Maraming buhay ang nawala, mga pangarap na nasira, mga negosyong nagsara, at mga trabahong naglaho. Matagal tayong nakulong sa bahay at nalimitahan ang pagkilos natin. At the height of the pandemic, we wondered when it will ever end. How can we be set free from this crisis?

Jesus can set us free from whatever binds us. God the Father sent Him, “to proclaim the good news to the poor, to bind up the brokenhearted and set the captives free.” This was prophesied by Isaiah (61:1–2) and was fulfilled when Jesus started His ministry in Nazareth proclaiming a Jubilee year (Luke 4:18–21). In the Old Testament, the Jubilee year was a time of God’s favor when the slaves were set free and people were released from their debts (Leviticus 25:10).

Sa pagpapalaganap Niya ng Magandang Balita ng Diyos, nagpagaling Siya ng mga maysakit at nagpalaya sa mga nakagapos sa kasalanan. Nang pagalingin ni Jesus ang isang paralitiko, sinabi Niya, “Anak, lakasan mo ang iyong loob! Pinapatawad ka na sa iyong mga kasalanan” (Mateo 9:1–2). Gayun din din, pinagaling Niya ang babaeng nagdurugo ng maraming taon (Marcos 5:25–34). At dahil din sa kanilang pananampalataya, pinagaling Niya ang mga may leprosy (Mateo 8:2–3, Lucas 17:10–19) at ang alipin ng centurion (Mateo 8:5–13).

Jesus can heal and deliver us from our physical pain, and even emotional and spiritual struggles. Siya ang susi sa ating paggaling at paglaya. Ang sabi ni apostle Paul, “Malaya na tayo dahil pinalaya tayo ni Cristo. Kaya magpakatatag kayo at huwag nang paalipin pang muli!” (Mga Taga-Galacia 5:1). Kung heartbroken ka dahil sa matinding pagsubok na iyong pinagdaraanan, o feeling mo ay hindi ka malaya, cry out to God and pour out your heart to Him now.

Don’t forget to tune in tomorrow because we will look more closely into a father’s desperate wish for his sick daughter. Let’s find out what Jesus did to his daughter. See you!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoong Jesus, palayain po Ninyo ako sa pamumuhay na hindi kalugod-lugod sa Inyo, sa mga karamdaman, at alalahaning umaalipin sa akin. Kayo lang, O Dios, ang makapagpapalaya sa akin nang lubos at nagsisimula ito sa pagpapatawad Ninyo sa akin. Amen.

APPLICATION

I-share mo ang Magandang Balita ng Panginoon sa mga kakilala mong alipin ng samo’t saring problema. Ikuwento mo ang personal mong karanansan. Maaari mo ring i-share ang devotion na ito sa kanila.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 10 =