21
AUGUST 2022
Pain with a Purpose
Lagi kayong magpasalamat sa Diyos na ating Ama dahil sa lahat ng bagay, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Mga Taga-Efeso 5:20
Magpasalamat lagi? At para sa lahat ng bagay? Parang mahirap naman ang maging thankful palagi. Minsan gusto mong magreklamo o kaya gusto mong mainis o manigaw. Pero ano ba talaga ang mas matimbang—ang gusto natin o ang kalooban ng Diyos? Here are three things about God that make it clear why we should thank Him all the time:
First, God is sovereign. He is in complete control of everything. Buti na lang, hindi Siya nasosorpresa o nao-overwhelm sa mga nangyayari sa atin. Whatever happens, He assigns. Don’t worry dahil hindi Siya nag-aassign pagtapos ay iiwan ka Niya. Second, God is wise and purposeful. He has full knowledge of your situation. Hindi Siya katulad natin na madalas konti lang ang nakikita sa buo. Alam Niya lahat — from beginning to end. At may plano Siya para sa ikabubuti mo at sa mga pumapaligid sa iyo. Sa tulong Niya, He is able to turn your mess into a message or your trial into a testimony. And third, God is loving. Oo, mahal Ka niya at walang makapaghihiwalay sa iyo sa pag-ibig ng Diyos. Kahit hindi mo nararamdaman, His love is always at work!
May mag-asawang nagbigay ng payo sa kanilang binatang anak na papasok sa high school. OK lang makipagkaibigan at maki-barkada pero iwasan muna ang exclusive relationships. Sumuway ang binata. Hindi nagtagal, iniwan at nasaktan siya. The son eventually realized na our actions have consequences and thatthere is wisdom in obeying our parents. Na-realize din niya ang kahalagahan ng God dependence over independence!
The parents were most likely hurt noong sumuway ang anak nila at lalo na noong nasaktan ito. Pero imbes na sumbatan at sisihin ang anak, pinili nila ang manalangin, manalig na may plano ang Diyos at magpasalamat sapagkat ang Lord ay laging sovereign, wise, purposeful, and loving.
LET’S PRAY
Panginoon, salamat at alam Ninyo ang pinagdadaanan ko. Salamat din na may plano Kayong mabuti kahit hindi pa ito malinaw sa akin. Open my eyes to see Your mercies para ako ay mag-obey at makapagpasalamat!
APPLICATION
Write down the things you can thank God for today. Big and small blessings, isama mo. May pinagdaanan ka bang trial? What helped you go through it?