20

AUGUST 2022

Ambiguous Loss, Part 2

by | 202208, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Michellan Alagao

Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang mahabaging Ama at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan. Inaaliw niya tayo sa ating mga kapighatian upang sa pamamagitan ng kaaliwang tinanggap natin sa kanya ay makatulong naman tayo sa mga nahahapis. 2

Mga Taga-Corinto 1:3–4

Yesterday, natutunan natin ang ambiguous loss and how to go through it. Pero paano kung ang nakakaranas nito ay isang kaibigan o mahal sa buhay?

Ito ay ilang paraan kung paano mo mabibigyan ng support ang mga nakakaranas ng ambiguous loss.

1.Let them grieve. May mga taong nagi-guilty sa sariling nilang grief dahil feeling nila mas malala ang situation ng iba, o hindi naman “real” yung kanilang loss. Hindi ito totoo. Yung loss at grief na pinagdadaanan nila ay real. In fact, pwedeng mas stressful ito dahil sa uncertainty na nakapalibot dito. Reassure them na normal ang nararamdaman nila at OK lang na mag-mourn.

2.Listen to and pray for them. You are not there to fix them. Hindi mo kailangan sabihing, “Cheer up, magiging OK din ang lahat!” dahil sa maraming cases involving ambiguous loss, maaaring never maging OK ang situation in this lifetime. Ang isang parent ay maaaring hindi na maka-recover from dementia o Alzheimer’s disease. Ang nawawalang family member ay pwedeng hindi na makita pa. Maaaring hindi na bumalik sa dati ang ating buhay pagkatapos ng COVID-19 pandemic. Minsan, ang kailangan lamang nila ay isang taong pwedeng makinig at manalangin.

3.Remind them that they are not alone. Marami na ring dumaan sa ambiguous loss. Kung may alam kang Christian support groups na familiar sa ganitong uri ng loss, pwede mo i-suggest na sumali sila sa mga ito. Maraming verses sa Bible na nagdi-discuss tungkol sa loss (tulad ng Book of Lamentations) at ang pagbasa sa mga ito ay maaaring makapagbigay ng comfort, dahil mare-realize nila na may mga taong dumaan sa similar na experiences at emotions.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Thank You, Lord, that You have given me encouragement and comfort so that I may also — through Your Spirit — bring encouragement and comfort to those who are grieving.

APPLICATION

May kilala ka bang dumaraan sa ambiguous loss and grief? Huwag matakot na lapitan sila. Be gentle with them. Allow them to grieve. Pakinggan mo sila. Pray for them. Ipaalala mo sa kanila na God is with them, still.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 4 =