23
FEBRUARY 2023
Pangakong Paghilom
This day, we begin a new series that I’m sure we all need to hear, dahil lahat tayo ay nakakaranas ng karamdaman. Makakaasa ba tayo ng kagalingan? Pakinggan natin ang ating devo ngayong araw.
Sa kanyang pagkamatay sa krus, pinasan niya ang bigat ng ating mga kasalanan upang tayo’y mamatay na sa kasalanan at mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos. Kayo’y pinagaling na sa pamamagitan ng kanyang mga sugat.
1 Pedro 2:24
Walang sugat na hindi masakit. Lahat tayo ay nagkaroon na ng sugat. Para maampat ang pagdurugo, kailangan nito ng agarang lunas. Iingatan mo para hindi maimpeksyon, aalagaan sa gamot, titiisin ang sakit hanggang sa tuluyan itong gumaling.
May mga sugat na maliit lang at madaling gumaling. Pero may mga sugat na kumplikado gaya ng emotional wounds na iyong iniinda. Mga sugat na hindi nakikita, pero nararamdaman. Mga salitang lumatay sa iyong pagkatao. Mga relasyong nawasak at tila imposible pang mabuo. Ang iyong nakaraan na hindi ka pinapatulog sa gabi, mga pangarap na gumuho, at pagsisisi.
We can’t heal on our own. Kaya’t ipinapaalala sa atin ng Bible ang ating pag-asa si Jesus. Sabi sa 1 Pedro 2:24, “Sa kanyang pagkamatay sa krus, pinasan niya ang bigat ng ating mga kasalanan upang tayo’y mamatay na sa kasalanan at mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos. Kayo’y pinagaling na sa pamamagitan ng kanyang mga sugat.” Dahil sa sakripisyo Niya noon at pagmamahal Niya sa atin hanggang ngayon, may kakayahan si Jesus na lunasan ang lahat ng sugat—una na ang ating pagiging makasalanan, at pati na rin ang mga sugat ng ating katawan at kaluluwa. Siya ang Healer na umeeksamin sa ating kondisyon, nagtatahi at gumagamot ng mga bukas na sugat upang tuluyan itong magsara.
Are you holding on to your wounds for far too long? Because His mercies are new every morning, gusto Niyang magsimula ka ngayon sa panibago mong buhay. Oras na upang patawarin mo ang iyong sarili for holding on to that anger, pain, and self-pity, at hayaan mong maranasan mo ang Kanyang forgiveness and mercy.
Walang sugat na hindi masakit. Pero walang sugat na hindi kayang paghilumin ng ating Ama sa Langit. Pangako Niya ang paghilom.
By the stripes of Jesus, we are healed. That’s God’s promise that we can claim. Hindi lang para sa sakit ng ating katawan, kundi maging ng ating damdamin at kalooban. Abangan iyan bukas.
LET’S PRAY
Jesus, salamat na pinagaling na Ninyo ang lahat ng sugat ng aking kalooban at sakit ng aking katawan. Tulungan Ninyo akong mapatawad ang aking sarili at ang mga nakasakit sa akin. Thank You for healing me. Amen.
APPLICATION
Bigkasin mo ang lahat ng sakit ng iyong puso at katawan. Magtiwala ka at i-confess mo that 2,000 years ago, pinasan na ni Jesus ang krus para pagalingin ka sa lahat ng ito.