31

MARCH 2021

Pangarap Ka Na Lang Ba?

by | Devotionals, You

Share with family and friends

Narrated by Jewel Valeroso

Ang bawat pagsisikap ay may pakinabang. 

Kawikaaan 14:23a

Kung mahilig ka sa anime, malamang nakapanood ka na ng episode ng Naruto. Kung hindi ka familiar dito, simple lang ang premise ng kuwento: Pangarap ni Naruto na maging hokage, ang pinakamalakas na ninja sa kanilang village. Kaso hindi siya masyadong matalino o popular, at wala siyang special skills. Wala rin siyang mga magulang, at maraming galit sa kanya sa kanilang village.

Kung ibang tao ’yun, siguradong na-discourage na ito. Pero hindi sumuko si Naruto. Nagsikap siya, nag-develop ng sariling technique ng pakikipaglaban, at nakuha niya ang respeto hindi lang ng mga tao sa village niya kundi pati na rin sa ibang lugar. At the end of the series (spoiler alert!), naabot ni Naruto ang pangarap niya: Naging hokage siya, at kinilalang pinakamalakas na ninja sa kanilang lugar.

May pangarap ka bang parang imposibleng maabot? Pinagtatawanan ka ba o minamaliit ng mga tao dahil dito? Huwag kang sumuko! At kapag feeling mo gusto mo nang mag-quit, find encouragement in God’s Word.

Sabi sa Isaias 40:31, muling lumalakas at sumisigla ang mga nagtitiwala kay Lord. Hindi sila mapapagod o manghihina. Kung feeling mo sayang lang ang efforts mo, basahin ang 1 Mga Taga Corinto 1:58: “. . . Maging masipag kayo sa paglilingkod sa Panginoon, dahil alam ninyong hindi masasayang ang inyong paghihirap para sa kanya.” At kung gusto mo nang assurance na may pupuntahan ang pagsisikap mo, tingnan ang Mga Kawikaan 14:23a: “Ang bawat pagsisikap ay may pakinabang.”

Katulad ni Naruto, puwedeng malayo at mahirap ang magiging journey mo. Pero walang imposible kay Lord. Isang successful career, the perfect partner, o kahit pagiging hokage pa ’yan, kung will ito ng Panginoon, ibibigay Niya ito sa iyo. And it will be a dream come true.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, alam Ninyo ang mga pangarap ko. Tulungan Ninyo akong maabot ang mga ito, according to Your will. Kung hindi man ito ang plano Ninyo para sa akin, ilagay Ninyo sa puso at isip ko ang kalooban Ninyo. Amen.

APPLICATION

Ilista sa notebook o cell phone ang iyong short-term at long-term goals. Commit to praying for them everyday. Lagyan ng check ang bawat goal na mari-reach. Huwag kalimutang magpasalamat kay Lord tuwing mangyayari ito.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 1 =